Don't leave me, daddy!

1507 Words
[Kiara] BORACAY. Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya sa flower shop ng makarating sila sa Boracay. Pagkagaling nila sa hotel kung saan sila nagpabook ay agad na humanap sila ng restaurant na pagkakainan. "Ma'am, ang ganda dito, pwede bang dito nalang tayo?" Biro ni Lyca. Bakas ang saya sa mukha nito, katulad ng iba pang mga kasama. "Pwede naman eh, kung gusto mo iiwan ka nalang namin dito." Birong sagot ni Willy, kaya inirapan 'to ni Lyca. "Mi, pwede na ba tayong magswim?" Tanong ni Kian sa kanya. "After natin kumain, anak. But for now let's enjoy our food." Aniya. "Sinabi mo pa, Ma'am. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ko nauubos 'tong mga seafood! Mag eenjoy ako sa pagkain ng mga 'to!" May laman pa ang bibig na sabi ni Noel na ikinatawa ng mga kasama. Napatigil siya sa pagkain ng makita ang lalaki na kapapasok lang sa restaurant. Ang liit nga naman ng mundo. Nasa iisang lugar lang sila ni Grant. "OMG, Ma'am! 'Yong sikat na Filipino singer na sumikat sa America, narito siya!" Tumitili si Lyca sa kilig. Papalapit kasi sa mesa nila ang gwapong singer kaya naman ang lahat ay napanganga sa kagwapuhan nito. Kahit si Manang Fe na may edad na ay napahanga sa binatang si Grant. Gusto niyang iiwas ang tingin pero hindi niya magawa. Talagang mapapatingin kahit sino sa taglay na karisma ni Grant. Malayo sa binata na hindi pinagtutuunan ng pansin noon. Isang plain black tshirt at board short lang ang suot ng binata ngunit agaw pansin pa rin ang kakisigan. Isa pa ay matangkad ito at sumisigaw ang magandang pangangatawan. Uminom siya ng juice. Bakit parang nauhaw siya bigla? "Hey. Nandito din pala kayo." Tumingin si Grant sa kanya na may ngiti sa labi bago bumaling sa anak niya. "Hey, buddy! What's up!" "Hello po, daddy!" Naibuga niya ang juice na nasa bibig at napangiwi nalang ng makita na naibuga niya 'yon kay Norman na katabi lang niya. Panay tuloy ang hingi niya ng pasensya rito. Bakit naman kasi 'Daddy' ang tawag ng anak niya sa binata?! "Kian, he's not your daddy anak-" Pinigil niya ang magsalita pa ng makita ang pamumula ng mata ng anak niya. Mukhang hindi talaga 'to papayag na hindi maging daddy si Grant. "Wag ka ng umiyak, Kian. Pwede mo naman ako maging daddy kahit ayaw ng mommy mo." Ani Grant. Pinanlakihan niya ng mata si Grant ng umupo ito sa tabi niya at umakbay sa kanya. "Umalis ka nga sa tabi ko, Grant." Mahinang bulong niya sa binata para hindi marinig ng anak niya. Namumula na ang pisngi niya sa panunukso ng mga tauhan niya. Maging ang ibang costumer sa restaurant ay nakatingin na sa kanila. Pilit na ngumiti siya, kahit ang totoo ay naiilang siya sa pagkakadikit ng katawan nila. "Kaibigan ko lang siya. Ano ba kayo!" Aniya habang tumatawa, siniko niya si Grant. "Di'ba, friend?" "Magka-ibigan-ouch!" Daing ni Grant ng sikuhin niya ng may kalakasan ang tiyan nito. Kupal naman! "Ano ba ang ginagawa mo, Grant? I told you, ayokong magpakasal sayo. Kaya bakit ba sinabi mo pa sa anak ko na pwede ka niya maging daddy!" Sita niya kay Grant matapos hilahin palabas ng restaurant. Ano nalang ang iisipin ng mga nakarinig sa sinabi nito? Saka paano kung umasa ang anak niya? "Wala akong ginawang masama. Sinabi ko lang naman kay Kian 'yon para hindi siya umiyak-" Pinutol niya si Grant. "Ang paasahin siya? Sa ginagawa mo ay lalo lang aasa ang anak ko." "May choice ka naman, Kiara, pero mas pinili mo ang saktan ang anak mo-" Malakas na sinampal niya si Grant. "Kahit kailan hindi ko ginusto na masaktan ang anak ko, Grant! Kaya wag kang umakto na parang kilala mo ako. You are just my ex and nothing more! Kung may taong mananakit sa anak ko ay hindi ako 'yon, because I love him more than my life!" Aniya bago iniwan si Grant. Saktan si Kian? Paano ni Grant nasabi ang bagay na 'yon?! Ang kapal ng mukha nito! "Mi, nasaan po si Daddy?" Tanong ni Kian sa kanya. "Di'ba gusto mo ng magswim? Come on-" Sabi niya imbis sagutin ang tanong nito. "Gusto ko kasama si Daddy, Mi!" Tumakbo si Kian palabas ng restaurant para hanapin si Grant. Natataranta naman na sumunod siya rito maging ang mga tauhan niya. "Kian!" Malakas na tawag niya sa anak. May kaba sa dibdib niya dahil hindi nila 'to naabutan. Inabot ng dalawang oras ang paghahanap nila. Kinausap na rin niya ang pamunuan ng lugar para makita ang CCTV footage. Lumuluha na siya sa sobrang pag aalala. "Ma'am, si Kian ho nakita na!" Hingal na sabi ni Mila sa sa kanya. Nagmamadali siyang nagpunta sa hotel kung nasaan ang anak niya. Bahagya pa niyang binangga sa balikat si Grant ng makapasok siya sa kwarto nito. "Dalawang oras ko siyang hinanap, Grant, sana ay ibinalik mo siya ng makita mo siya, hindi 'yong hinayaan mo akong mabaliw na hanapin ang anak ko." Mahina ngunit madiin na saad niya, baka kasi magising ang niya kung lalakasan niya ang boses niya. "Umiiyak siya, Kiara-" "So what? Does it mean na pwede ka ng mangialam? Look, nagpapasalamat ako dahil nakita mo ang anak ko. Pero sana sa sunod ay wag mong patagalin ng dalawang oras bago mo siya ibalik sa akin." Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "Dahil mamamatay ako sa pag aalala." Naluha na naman siya, hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa anak niya. "I'm sorry." Mahinang sambit ni Grant. "Nadala lang ako ng emosyon ng makita ko ang anak.... anak mo." Nag iwas ito ng tingin. "Gusto ko lang naman siyang makasama. I'm really sorry." Bakas ang pagsisisi sa mukha nito. Pinahid niya ang luha sa mata. "Layuan mo nalang kami, Grant. Wag mo ng ipilit ang gusto mo dahil wala akong balak na magpakasal sa'yo." Aniya sa binata. Bakas sa mukha ni Grant na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Pansin niya ang pagiging matamlay ni Kian mula ng hindi na nakita si Grant. Hinanap din sa kanya ng anak ang binata pero sinabi niya na hindi niya alam kung nasaan na 'to. Hindi na rin ito nagparamdam sa kanila simula ng kunin niya si Kian mula rito. Matapos kumuha ng mga pictures at i-upload sa f*******: ay kanya-kanyang languyan na ang mga tauhan niya. Siya naman ay nakabantay sa anak niya na nakatingin lang sa malawak na dagat. Kumunot ang noo niya ng makita ang pagtawag ni Dina sa kanya. "Hello-" "Oh my God, Kiara!" Putol agad ni Dina sa kanya. "Sigurado na magugulat ka sa sasabihin ko sa'yo! Bea and Kier is getting married!" Tili ng kaibigan niya. Halos malaglag ang panga niya sa narinig. "What?! Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Sa pagkakaalam niya ay kay Britanny na ate ni Bea ikakasal ang Kuya Kier niya, kaya paano nangyari na kay Bea na 'to ikakasal? "Oo nga-" Gusto man niya pakinggan ang mga sinasabi ni Dina ay hindi na niya nagawa, dahil sa mga sigaw na narinig niya. "May nalulunod!" Nanlaki ang mata niya ng makita ang anak niya na kumakawag sa gitna ng tubig, binitiwan niya ang hawak na cellphone at handa ng sagipin ang anak ng maunahan siya ng isang lalaki. Nanginginig ang katawan na nilapitan niya si Kian na nakahiga sa gilid habang umuubo. "Damn it, Kiara! Ano ba ang ginagawa mo at hinayaan mo ang anak natin na mag isa sa tubig!" Galit na singhal ni Grant. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Grant. Umiiyak na niyakap niya si Kian na puno ng takot at pag aalala ang dibdib. "I'm sorry, anak." Umiiyak na sambit niya. Hindi niya napigilan na sisihin ang sarili. Naging pabaya siya at napahamak na ang anak niya. "I'm sorry po, Mi, sumakit po ang tiyan ko at binti. Sorry po, Mi!" Humihikbing saad ni Kian na halata ang takot sa mukha. Nanginginig din ang maliit nitong katawan. Hindi na niya pinigil si Grant ng buhatin nito ang anak niya. Bumalik sila sa hotel suite nilang mag ina. Pinaliguan niya ang anak bago pinahiga sa kama. Akmang aalis na si Grant ng pigilan 'to sa kamay ni Kian. "Don't leave me, daddy, please..." Ani Kian sa nagmamakaawang tono. Iniwas niya ang mata at saka tumalikod. Naaawa siya sa anak niya. Nakikita niya ang panlilimos nito ng pagmamahal kay Grant. Naghahanap ang anak niya ng pagmamahal ng isang ama. Nakangiti na umupo si Grant sa kama katabi ni Kian. "Sure, gusto mo ba na tabihan kitang matulog?" Agad na tumango si Kian rito. "Masusunod mahal na prinsepe." Mahinang napahagikgik si Kian sa sinabi ni Grant. "Prinsipe ako, si Mi ang reyna at ikaw ang hari, Daddy? Ibig bang sabihin ay hindi mo na kami iiwan? Mahal mo na kami?" Inosenteng tanong ng anak niya. Hindi niya mapigilan ang maluha sa sinabi ng anak niya. Lumayo siya at nagpunta sa sala at do'n niya binuhos ang luha. "I'm sorry, Anak... Kasi hindi ko magawang sabihin sa'yo kung sino talaga ang daddy mo." Umiiyak na sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD