Chapter 20 Kinabukasan, nag aalala pa din ako kay tatay dahil pansin kong matamlay pa din siya. Alam kong nag iisip pa din siya ng kung ano anong mga negatibong bagay. Pinauna ko na munang umalis yung dalawa, maaga pa naman kaya hindi ako mal-late. Gusto ko lang talagang masigurado na maayos si tatay bago ako umalis papuntang trabaho. Busy sa pagliligpit ng plato si tatay kaya hindi niya ako napansin na muling pumasok sa kusina. "Tay, okay ka na ba?" tanong ko na bahagyang nagpaigtad sa kaniya sa gulat. Bahagya pa siyang napahawak sa dibdib. "Ano ka ba namang bata ka, nakakagulat ka." "Pasensya na po, hindi ko naman alam na magugulat ka. Pero ano nga tay, okay ka na ba?" tuluyan na niyang tinigil ang ginagawa para harapin ako. Buntong hininga ang una niyang ginawa saka umupo sa upuan

