Third Person's POV Pagkarating ni Sin sa ospital, sinalubong agad siya ng mama ni Beth. "Tita, ano pong nangyari kay Beth?" Tanong niya. "Bigla nalang siyang nahirapan huminga kanina tapos bumagsak siya." Naiiyak na sagot ng mama ni Beth. Napasabunot nalang si Sin sa buhok niya. Hindi niya alam kung anong maaaring mangyari kay Beth. Biglang may lumabas na doktor at agad itong nilapitan ng mama ni Beth. Nakatingin lang si Sin sa mama ni Beth na nakikipag-usap sa doktor. Halata sa mukha nito na hindi maganda ang sinasabi ng doktor. Umiiyak na nilapitan siya ng mama ni Beth pagkatapos makipag-usap sa doktor. Inalalayan muna nito ni Sin na makaupo. "Tita, ano pong sabi ng doktor?" Tanong niya. "M-malala na daw talaga ang sakit ni Beth. Hindi na ito kinakaya ng pag-inom lang

