Chapter 19

1967 Words
Chapter 19 DUMAAN ANG TATLONG linggo kaya nandito ako sa hospital for check up. Three months na kami ng baby ko ngayong araw. Napangiti pa ako habang pinapakinggan ang heartbeat ng anak ko. Pinayohan lang ako ni doc na kumain ng mga gulay at prutas na agad ko namang ikina-tango. Lumabas ako ng hospital saka ako pumunta ng palengke para maghanap ng prutas at gulay. Nang makabili ako ay agad akong sumakay ng taxi para maka uwi na lalo na't sobrang init ng panahon. Hindi ko kaya ang init at talagang nanghihina ako kapag nasisikatan ako ng sobra sa araw. Bumaba ako ng taxi at agad pumasok sa gate. Naglalakad ako papasok ng bahay at agad binuksan ang pintuan gamit ang susi kong dala. Pumunta ako sa kwarto dahil excited akong magsulat sa journal namin ni baby. Natapos ko narin ang ginawa kong damit para sa anak ko. Magkasama palagi ang journal at ang damit na ginawa ko sa anak ko at lagi kong hinahaplos 'yon. Bumili din ako last week ng kuna. Ginamit ko ang pera na iniwan ni Zacreus para bilhin ang mga gamit ng anak namin. Nag de-decorate din ako ng kwarto ni baby para malibang ako para hindi ko maisip ang problema. Kaya panay bili ako ng mga stuff toys at kung anong anik-anik para mapuno ko ang magiging kwarto ng anak namin ni Zacreus. Hindi na muna ako nagpakita kay Zacreus dahil nag-iisip na naman ako ng plano kung paano ko maibabalik ang alaala niya. Naglakad ako papunta sa katapat ng kwarto namin ni Zacreus saka ko 'to binuksan at inilagay ang nabili ko kanina na mga stuff toys. Inayos ko din ang kuna ng anak ko saka ako umupo sa sahig at pinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Hinaplos ko ang tyan ko saka ako nagsalita. "Ang ganda ng kwarto mo anak. Pupuniin 'to ni mama hanggang sa mailuwal kita." Naka ngiti kong sabi sa anak ko. Hawak-hawak ko parin ang journal at damit ng anak ko kaya tumayo ako sa pagkaka-upo at inilapag 'yon sa kuna. Naglakad ako palabas ng kwarto saka isinara ang pinto at pumasok sa kwarto namin ni Zacreus. Dumeritso ako sa banyo dahil naiinitan ako kaya maliligo nalang muna ako bago ako magluluto ng pagkain. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at agad na lumabas ng banyo na nakatapis ng twalya. Kumuha lang ako ng tshirt ni Zacreus at boxer short niya saka ko 'to sinuot. Damit kasi ni Zacreus ang sinusuot ko kapag nandito ako sa bahay. Lumabas ako ng kwarto at agad bumaba ng hagdan para tumungo sa kusina. Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang naglalakad ako. Nang makarating ako sa kusina ay inilapag ko ang phone ko sa lamesa saka ako nagsimulang magsaing. Ngunit ilang sandali lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kunot nuo akong lumapit sa lamesa saka ko dinampot ang cellphone ko. Ayaw ko sanang sagotin ang tawag dahil hindi ko kilala ang tumatawag. Pero sinagot ko parin 'to saka ko inilagay sa kaliwang teynga ko. "Hello!" Bungad ko sa kabilang linya. "Magkita tayo." Sabi niya na ikinahigit ng hininga ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses ng asawa ko. "Zacreus.." Sambit ko sa pangalan niya. "Yes. It's me. Magkita tayo. Ngayon din." Sabi niya sa matigas na boses saka pinatay ang tawag. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang pumasok ang text sa kaparehong number kaya agad kong binuksan 'yon. Nang mabasa ko ang lugar kung saan kami magkikita ni Zacreus ay dali-dali akong tumakbo papunta sa hagdan para makapagbihis. Napangiti ako dahil naalala na ako ng asawa ko. Babalik na siya sa 'kin. Nag suot lang ako ng dress dahil medyo may umbok na talaga ang tyan ko kaya naiipit kapag nag su-suot ako ng pantalon. Sinuklay ko lang ang buhok ko habang nakaharap sa salamin. Hinaplos ko ang tyan ko habang may ngiti sa labi saka ako nagsalita. "Naalala na ako ng daddy mo anak. Makikita natin siya ngayon kaya sobrang saya ni mommy." Sambit ko sa anak ko na nasa sinapupunan ko. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at agad lumabas ng bahay. Sinigurado ko pang naka lock ang pinto saka ako lumabas ng gate. Naglakad lang ako palabas ng gate ng subdivision hanggang sa makalabas ako. Naghintay ako ng taxi sa gilid ng kalsada na agad namang may huminto sa harap ko. Sumakay agad ako at nagpahatid sa restaurant kung saan kami magkikita ng asawa ko. Nang makarating ako ay agad akong pumasok sa restaurant. Pinalibot ko lang ang tingin sa loob ng restaurant hanggang sa mapadako ang tingin ko sa asawa ko na nakaupo mag-isa habang hawak ang cellphone niya. Naka ngiti akong naglakad palapit sakanya kaya napa-angat siya ng tingin sa 'kin. Agad nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang mukha ng asawa ko. Umupo ako sa kaharap niyang upuan saka ako ngumiti kay Zacreus. Ngunit hindi man lang siya ngumiti sa 'kin, bagkos ay kumunot pa lalo ang nuo niya na para bang hindi niya ako gustong makita. Titig na titig ako sa mukha ng asawa ko dahil miss na miss ko na siya. Gusto ko sanang haplusin ang mukha niya ngunit natatakot ako at baka magalit lang siya sa 'kin. Kaya kahit gusto ko siyang haplusin, pinigilan ko nalang ang sarili ko. Hindi ganito ang Zacreus ko, laging naka ngiti 'yun at laging nagpapalambing sa 'kin. Pero ngayon, ni wala man lang akong makitang emosyon sa mukha niya. Para nga 'tong.. napipilitan na makita ako. "Naaalala mo na ba ako?" Lakas loob kong tanong sakanya dahil hindi siya nagsasalita. "No! At wala akong panahon para alalahanin ka." Malamig niyang sabi sa 'kin kaya napalunok ako ng ilang beses. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ang akala ko pa naman ay naalala na niya ako kaya siya tumawag sa 'kin. "Here." Sabi niya saka inusog papunta sa harap ko ang isang brown envelop na nasa table. Naguguluhan naman akong palipat-lipat ang tingin sa envelop at sa mukha ni Zacreus. Kinuha ko parin naman 'yon saka binuksan at tinignan ang laman ng envelop. "Sign the divorce paper." Malamig niyang sabi sa 'kin. Naluluha akong nakatingin kay Zacreus habang hawak ang divorce paper. "Ayaw ko!" Matapang kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya na walang ka emo-emosyon. Dati, sa t'wing nakatingin siya sa 'kin ay kumikinang 'to dahil sa labis na pagmamahal niya sa 'kin. Agad nagbago ang expression ng mukha niya at halatang galit ba galit 'to sa sinagot ko. "Sign that. Gusto na naming magpakasal ni Kaye. Ngunit, hindi namin magagawa 'yon kung hindi ako makikipag divorce sa'yo." Galit niyang sigaw sa 'kin kaya napalingon samin ang mga kumakain din sa loob ng restaurant. Nahihiya akong yumuko dahil nag simulang mag bulong-bulongan ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko na tuloy mapigilan na hindi maiyak. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag hikbi ko pero talagang hindi ko mapigilan. "Hindi ko alam kung bakit kita pinakasalan dati." Sabi niya kaya napa-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang hinihilot ang sentido niya at halatang galit na galit sa 'kin. "Pirmahan mo na yan para makalaya na ako sa'yo." Seryos niyang sabi sa 'kin habang nakatitig sa mga mata ko. Sinalubong ko ang mga mata niyang hindi na katulad dati kapag nakatingin sa 'kin. "Ayaw ko! Ipaglalaban kita, Zacreus. Nangako ako sa'yo na mananatili ako sa tabi mo kahit anong mangyari." Pursigedo kong sabi. "Damn it! Hindi ka ba makaintindi? I don't love you!Wala akong maramdaman kahit na katiting sa'yo. Kaya nagtataka ako kung bakit kita pinakasalan." Galit niyang sigaw sabay hampas ng dalawang kamay niya sa lamesa kaya nagulat ako. "Zacreus.. ako lang naman ang babaeng mahal na mahal mo." Umiiyak kong sabi. "Kung nagtataka ka kung bakit ka nagpakasal sa 'kin 'yun ay mahal na mahal mo ako. Naalala ko pa ang sinabi mo n'ong una mo akong nakita ng dinala ako ng mommy mo sa bahay ninyo. Ayaw mong pumayag na maging kapatid ako at amponin ng mga magulang mo dahil iba ang nararamdaman mo sa 'kin." Umiiyak kong sabi. "Naalala mo pa ba n'ong pinalayas ka ng mommy mo dahil sinabi mo sakanya ang nararamdaman mo para sa 'kin." Dagdag kong sabi. Nakatitig lang siya sa 'kin habang nakikinig sa mga sinasabi ko. "Hindi ko makakalimutan ang pinagtapat sa 'kin ni kuya Reagan n'ong araw na niyaya mo akong magpakasal sa Isla na binili mo para sa 'kin. Sinabi mo.. hindi tayo maghihiwalay kahit ano pang pagsubok ang dumating satin." Saad ko habang humihikbi. "Ang sabi mo.. hangga't nasa tabi mo ko kakayanin natin ang mga pagsubok na darating sa buhay natin basta magkasama lang tayo. Sabi mo.. mawala na ang lahat sa'yo wag lang ako. Sabi mo pa sa 'kin noon, hindi mo kakayanin at ikakabaliw mo kung mawawala ako sa'yo." Mahabang sabi ko habang umiiyak. "Kaya bakit ko pipirmahan 'yan kung pinang hahawakan ko ang mga pangako mo sa 'kin. Sinabi mo sa 'kin dati na ilalalaban mo ko ng p*****n kapag pinilit tayong paghiwalayin ng mommy mo. Pero ano 'to? Tumawag ka lang pala sa 'kin para makipag divorce. Alam mo bang sobrang saya ko kanina ng marinig ko ang boses mo sa pag-aakalang naalala mo na ako." Humagolgol kong sabi. "Kaya wag mong aasahan na pipirmahan ko 'yan, Zacreus. Hindi pa ako pagod para isuko ka lang ng basta-basta. Ilalaban din kita ng patayan." Matapang kong sabi sakanya habang nakatitig sakanyang mga mata. Tumayo siya sa upuan habang malamig na nakatingin sa 'kin. "Fine! Magkita nalang tayo sa korte." Sabi niya sa galit na boses saka umalis sa harap ko. Napapikit ako habang umiiyak at nilukomos ang papel na hawak ko saka ako tumayo para sundan si Zacreus. Hindi ko siya titigilan. Kukulitin at kukulitin ko siya hanggang sa maalala niya ako. Lumabas ako ng restaurant at nakita si Zacreus na tumatawid sa kabilang kalsada. Sinundan ko siya at nagmamadaling naglalakad para lang mahabol ko siya. "Zacreus!!!" Tawag ko sa pangalan niya kaya napahinto siya. Ngunit, hindi man lang niya ako nilingon at nagsimulang naglakad ulit. "Zacreus!!! Daddy!!" Tawag ko sakanya pati narin ang gustong-gusto niyang itawag ko sakanya. Ngunit nag patuloy lang siya sa paglalakad. "Zacreus.!!!" Sigaw ko ulit saka ako tumatakbong tumatawid sa kalsada. Ngunit sa hindi inaasahan ay napatigil ako sa paghakbang ng may makita akong kotse na palapit sa 'kin. Agad kong niyakap ang tyan ko para maprotektahan ang anak ko na nasa sinapupunan ko at hinihintay na mabunggo ng sasakyan na palapit ng palapit sa 'kin. "Ang baby ko.." Sigaw ko habang nakayakap sa tyan ko. Sunod kong naramdaman ang pagtilapon ko sa kalsada at ang pagtama ng likod ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at parang nahihilo ako. Hindi ko makita ang mukha ng mga taong nakapalibot sa 'kin dahil nanlalabo ang paningin ko. Ngunit, pilit kong kinukurap-kurap ang mga mata ko para makita ang mga mukha nila. Napa-ubo ako saka ko hinaplos ang tyan ko at napa-iyak ng makita ko ang nagkalat na dugo sa kalsada habang naka handusay ako. "Tumawag kayo ng ambulansya!!" Naririnig kong sigaw sa paligid ko ngunit unti-unting nawawala ang pandinig ko sa paligid. Napa-ubo ulit ako at feeling ko ay may lumalabas sa bibig ko. Ayaw kong ipikit ang mga mata ko at baka hindi na ako magising. Inaalala ko ang anak ko na nasa sinapupunan ko at baka may mangyaring masama sakanya. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya pinilit kong tumingin sa babae na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. "Papunta na ang ambulansya ha! Kaya wag mong ipipikit ang mga mata mo. Kumapit ka lang." Sabi nito habang hawak ang kamay ko. "I-Iligtas mo a-ang anak ko.." nahihirapan kong sabi sa babae. "Iligtas mo siya.." saad ko hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD