First in everything

1685 Words
Ako si Kevin Segovia, may maayos na trabaho bilang engineer. Ang sabi nila, gwapo raw ako subalit hindi maskulado. Matalino ngunit mahinhin at hindi lapitin ng mga babae. Mapagmahal sa pamilya at pilit na tumayong mag-isa. Mabait ngunit umiiwas sa kapwa lalaki. Walang barkada pero marunong makisama. May mga hinangaan din ako noon subalit wala akong lakas ng loob dahil sa palagay ko ay hindi pa ako handa at hindi ko pa lubusan na kilala ang aking sarili. Mahal ko ang aking pamilya kaya naman kahit labag sa aking kalooban ay pinili ko na sundin ang kanilang kagustuhan. Takot ako na maitakwil lalo pa nang inatake sa sakit sa puso ang aking ama kaya lahat ng maaring ikasama ng kanyang kalooban ay sadya ko na iniiwasan. Nilipat ako ng kumpanya sa ibang location sa bansa kaya napadpad ako sa Cebu. Laking Manila ako kaya naman na-excite ako sa aking paglipat. Naging mahirap subalit masarap dahil pakiramdam ko ay one step forward ako sa pagiging malaya. Sa unang araw ko sa trabaho ay hindi ko maipagkakaila na naagaw ng isang dilag ang aking atensyon. Mestisa at balingkinitan ang katawan. "Gusto mo ba s'ya makilala?" tanong ng bagong kakilala. Isa itong guard sa pinapasukan ko. Napansin marahil nito ang klase ng pagsulyap ko sa isang babae na kakapasok pa lang. "Okay lang. Gusto ko rin naman ng bagong kaibigan," magalang na sagot ko. "Mabait si Ma'am Daena. Sa finance s'ya na-assign. Halos lahat sa kanya basta pera ay sa kanya dumadaan," patuloy na sabi nito. "Ganun ba. Salamat," tipid na tugon ko. "Sige ka, baka maunahan ka. Marami pa naman ang nagkakagusto d'yan kay Ma'am," pagbibiro ng guard. Nginitian ko lang ito saka tumuloy sa aking pagpasok sa unang araw ng trabaho. Ipinakilala sa akin ng operations manager ang mga makakasama ko kabilang dito si Daena. Hindi ko maiwasan na manlamig ang aking mga kamay nang ito ay hawakan n'ya pagkatapos maipakilala ito ng manager. "Nice meeting you, Engineer!" nakangiti na bati sa akin ni Daena. Tila may sumundot sa akin na kinilig ang aking dibdib at gustong lumundag ng aking puso sa magandang ngiti na iyon ni Daena. Malaki ang naging epekto nito sa akin at ngayon lang ang nakadama ng ganito. "Same he-re!" nauutal na sagot ko. Hindi iyon ang una at huli naming pag-uusap dahil sa ongoing projects na mayroon kami sa buong Cebu sites. Sa isang telecommunications company kami nagtatrabaho at dalawang taon ang kontrata ko sa Cebu kaya mahaba pa ang pagsasamahan namin. "Engineer, sasama po ba kayo sa team building natin?" tanong ng isang kasamahan na kaibigan din ni Daena. "Oo naman. I couldn't miss the chance. Ngayon lang ako tumagal dito sa Cebu kaya I should make use of my time here," saad ko. "Mabuti naman kung ganun. Magiging exciting at masaya ito!" tugon nito bago tumalikod. Halos mag-anim na buwan pa lamang simula nang ma-assign ako sa lugar. Marami na rin akong napuntahan nang mag-isa dahil nahihiya ako mag-invite ng makakasama. Nasanay naman na ako subalit iba pa rin sana kung may kasabay sa paggala. Dumating ang araw kung kailan naka-set ang aming team building. Sa isang resort ito kung saan sasakay pa sila sa bangka bago ito marating. Ang company ang bahala sa lahat ng gastos kaya naman walang nagpahuli. "Ma'am Daena, partner po kayo ni Engineer sa palaro ha," sabi ni Richelle na kaibigan ng babae. Madalas ito ang nanunukso sa aming dalawa. Hindi ko alam kung masyado na akong halata na nahihiya ako sa tuwing sa paligid lamang si Daena kaya mas nagiging pursigido ang babae na ilakad ako sa kaibigan nito. "Okay lang sa akin, hindi ko alam kay Engineer kung papayag s'ya," game na sabi ni Daena. "Walang problema sa akin," tugon ko na pinipilit na huwag mahiya. Pagdating sa trabaho ay confident naman ako subalit sa tuwing si Daena ang kaharap ko ay tumitiklop ako. Oo crush ko s'ya at sa kanya lang ako naging attracted sa opposite s*x. Naging kapareha ko nga s'ya sa palaro at isa na rito ang paper dance. First time ko magbuhat ng babae and it feels good. Masaya at overwhelming. Nanlalagkit ang aking pakiramdam habang hawak ko ang kanyang bewang. Nakatingin si Daena sa aking mga mata habang ako ay nakayuko. Nagtama ang aming mga mata at dahil doon ay naging center of attraction na naman kami. "Ayeeeee! May something na namumuo!" hiyaw ng mga nandoon. Kapwa kami natawa at nahiya sa mga nandoon. Naging masaya at productive ang aming first day. Mananatili kami ng tatlong araw sa resort. Magkatabi ang aming silid ni Daena. Halos tulog na ang lahat dahil malalim na ang gabi. Samantala ako naman ay lumabas dahil hindi ako dinadapuan ng antok. Naging palaisipan sa akin ang kakaibang nararamdaman ko sa tuwing magkalapit kami ni Daena. Hindi ko inasahan na nakaupo s'ya sa labas ng akong silid. Nakasuot ito ng pantulog at may takip na robe. "Bakit gising ka pa?" tanong ko. Alanganin na ako bumalik pa sa loob dahil nakita na n'ya ako at nagtama na ang aming mga mata. "I can't sleep. Ikaw?" diretso ang mga salita na tugon n'ya. "Same," sagot ko saka bumuga ng hangin. "Upo ka!" utos nito sabay turo sa kanyang tabi. Naupo ako at hindi na umimik. Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasama na kami lang. Hindi ko alam paano sisimulan ang pakikipag-usap. "Mahiyain ka pala talaga. Ang akala ko nahihiya ka lang dahil maraming nakapaligid," panimula ni Daena. "Hindi ko kasi alam kung paano kita i-approach," sagot ko. "Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" tanong nito sa kanya. "Hindi pa. Masyado akong natutok sa pag-aaral noon at ngayon naman ay nasa trabaho. Gusto ko kasi iyong napapasaya ko ang mga magulang ko," tugon ko sa tanong ni Daena. "Well, maswerte ang pamilya mo dahil isa kang responsible son," sagot ni Daena. Ngumiti lang ako dahil wala na akong maisasagot sa kanya. "Kung may magkakagusto sa iyo, may pag-asa ba na mapansin mo rin s'ya?" tanong ng dalaga. "Babae o lalaki?" wala sa sarili na tanong ko. Humagalpak ito ng tawa sa naging sagot ko. "What kind of question was that?" natatawa na tugon ni Daena. Late ko na-realize ang ibig sabihin ng naging katanungan ko. "Sorry! I was trying to clarify. Alam mo naman kasi sa panahon ngayon, hindi ba?" Maagap na tugon ko. "Alam ko naman iyon but I couldn't help to laugh about the thought," sagot ko. "So, paano kung ang kagaya ko ay magkagusto sa iyo?" ulit ni Daena. Napabilib ako sa lakas ng loob n'ya na masabi nito ang gusto. Napatitig ako sa kanya ng matagal. "Bakla ka ba?" tanong nito sa kanya. "Hindi ah," mabilis na sagot ko. "Bakit ayaw mo sagutin?" makulit na sabi nito. "Ikaw? Magkakagusto sa akin? Bakit?" tugon ko. "Oo, may masama ba? Lalaki ka at ako naman ay babae. Maliban na lang siguro kung, alam mo na," prangka na sabi nito sa akin. Nagustuhan ko ang nagiging takbo ng pag-uusap namin ni Daena. "I actually like you! Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin dahil wala pa naman ako niligawan simula't sapul," pagtatapat ko sa kanya. Napakagat labi si Daena sa aking sinabi. Halatang kinilig ito ngunit nagpipigil lang. Nagbabadya ang ngiti na bahagyang nakaguhit sa mga labi ni Daena. "So, gusto mo nga ako? Eh paano iyan, gusto rin kita?" tanong ng babae na halatang nag-aasam. "Ikaw. Pwede naman natin subukan," saad ko. Sa unang pagkakataon ay tuluyan ko ng inilabas ang aking sarili sa isang hawla na kung saan ako ay nagkubli. "Yes! May boyfriend na ako!" hiyaw ni Daena. "Ssssshhhh! Baka nakaka-istorbo tayo," saway ko sa kanya. Malawak ang mga ngiti ni Daena habang nakatitig sa mukha ko. Blangko ang utak ko sa susunod ko na gagawin. "Alam mo ba na ikaw pa lang ang lalaki na nilapitan ko para sabihin na gusto kita? Karamihan kasi sa naging boyfriend ko ay sila ang nanliligaw kaya it's odd for me doing this. Pero masaya dahil nagawa ko ang isang bagay na kailanman ay hindi ko naisip na magagawa ko," pahayag ni Daena. "Bakit nga ba?" usisa ko sa kanya. Tuluyan na itong humarap sa akin at nailang na naman ako sa sobrang lapit ng mukha n'ya sa akin. "Dahil sobrang gusto kita," pagtatapat ni Daena. "Grabe ka! Alam mo ang sabi ko minsan sa Daddy ko na kung magkaka-girlfriend man ako, gusto ko s'ya na ang mapapangasawa ko," pahayag ko sa aking girlfriend. "Ang swerte ko naman pala. Alam mo ba na kakaiba ka sa kanila? Nakikita ko naman eh. Una, wala kang bisyo at matino ka. Gwapo at mabuting anak sa magulang. Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik na magtapat sa iyo. Mahirap na, baka maunahan pa ako," dagdag na sabi ni Daena sa akin. I'm flattered but nervous. Ang hinihingi ko na sana ay mapanindigan ko ang nasimulan ko ngayon. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad sa akin ni Daena. Hindi ko iyon inaasahan. Kailanman ay wala pang gumagawa nun sa akin. Hindi na ako nag-react dahil ayaw ko na ma-offend s'ya. Kapansin-pansin ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Hatid-sundo ko s'ya at naging masaya ang lahat sa nalaman na official girlfriend ko na si Daena subalit hindi maiwasan na ang iba ay magduda. Ang mahalaga sa amin na kami ay masaya. Pinili kong mahalin at yakapin ang mayroon ako ngayon, maging ang kung sino ako. "Kailan mo ipakilala sa amin ang mapapangasawa mo?" tanong ni Daddy. Madalang kung kami ay magkausap subalit nang malaman na may girlfriend na ako ay nagiging madalas na ito at masaya ito sa napili ko. Excited na sila na makilala at makasama si Daena. "Pagkatapos po ng contract ko rito ay isasama ko si Daena sa Manila. Magpapare-assign po s'ya ng opisina. Saka po kami magpapakasal," paliwanag ko sa aking ama. "Mabuti kung ganun. Aba! Bilisan ninyo ang paggalaw at sabik kami ng iyong Mommy sa magiging apo namin sa iyo," tugon ni Daddy. Natawa na lamang ako subalit nandoon ang pressure. Wala pang nangyayari sa amin ni Daena dahil nangako ako na igagalang ko s'ya hanggang sa kami ay mag-asawa na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD