HONEY Kanina ko pa gustong umuwi, kaso ayaw pa akong pauwiin ng Parents ni Kent. Pagkatapos ng mahaba-haba naming kwentuhan sa gitna ng dinner, napagdesisyunan ng mag-asawa na huwag na daw muna akong pauwiin maging si Kent. Namiss daw nila ang kanilang unico Hijo at kailangan nitong magpalipas ng gabi at nadamay pa ako. Kung hindi lang talaga mataas ang respeto ko sa parents nito hindi ko magagawang makisama sa lalaking alam kong kaya rin akong patayin, katulad ng ginawa nito sa aking ama. Huwag mong kalilimutan ang misyon mo. Hindi imposibleng mahulog ang loob mo kay Kent, pero lagi mong isaisip na nandito ka dahil sa isang bagay na kailangan mong maisakatuparan. Huwag mong pairalin ang 'yong puso, dahil sa bandang huli, ikaw parin ang magiging talunan.” Ilan lamang iyon sa mga bilin s

