“Get dress,” aniya. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko pa. Bigla-bigla kasing nagsasabi ng magbihis. “I have a friend na kakauwi lang from U.S.” aniya. “Ahh. Okay..” tipid na tugon ko na lang. Sakto rin naman na kakaligo ko lang at nagpupunas pa ako ng buhok ko. Kaya pala paglabas ko ay nakabihis na siya, may lakad pala kami. Medyo kinabahan din ako sa sinabi niya na friend from U.S. Pakiramdam ko kasi ay na-trauma na ako kapag galing sa U.S. Paglabas ko ng walk-in closet ay nakabihis na ako. Paldang maong na may mahabang slit ang suot ko na aabot hanggang sa kalahati ng aking hita na pinartneran ko ng white off shoulder dress at flat sandals. Pakiramdam ko tuloy ay para akong aattend ng misa ngayon. “Okay lang ba itong suot ko?” Tanong ko pa. Ewan ko ba.. medyo nakaugalian ko ng ita

