KABANATA_2

1027 Words
"Good morning Mommy, good Morning Daddy! Breakfasts is ready!" Kumunot ang noo ng kanyang Mommy at Daddy ng makita ang mga nakahain sa harapan nito. Omelette, garlic bread, cakes and ice cream at may chocolates pa. Isama pa na may hot chocolate drink pa. "Is that all, for your breakfast baby? Baka naman magka diabetes kana niyan sa dami ng matatamis diyan sa harapan mo! Anak naman, magdiet ka naman kahit paminsan minsan lang. Maawa ka naman sa katawan mo. Look at yourself iha, sinisira mo ang health mo sa ginagawa mo!" "Hindi na kayo nasanay sa isang yan My, gumawa pa nga ng New Years Resolution iyan. Hindi naman tinutupad, tsk! Asa pa kayo diyan, bakit hindi mo ako gayahin Madison fit na fit. Kaya maraming nagkakagustong babae dahil bukod sa guwapo, yummy din ako!" pang-aasar pa ng kambal niyang si Enzo. "Tigilan mo ako Enzo, ako ang unang lumabas sa tummy ni mommy, kaya galangin mo ako. Ate mo parin ako!! sabay hila sa buhok nito. Ganito na sila mag-asaran ng kanyang kakambal, parang aso't pusa lang. Naturingang magkakambal pero hindi magkasundo sa lahat ng bagay. "Daddy si Enzo po kasi, inumpisahan na naman ako!" "That's enough, baka kung saan na naman mapunta yang asaran niyo! By the way Enzo how's your school? Son, magseryoso ka naman please hindi puro babae na lang ang alam mo! Alam mo namang ikaw ang susunod na magiging CEO diba. Kaya pagbutihin mo sa pag-aaral anak!" sabi ng kanilang ama. "Beh! Buti nga sayo Enzo!" nakangising sabi ni Madison. Kakamut kamot na lang sa ulo si Enzo. Dahil alam niyang hindi siya mananalo sa kakambal nito . Pagdating sa kanilang dalawa ay palaging si Madison ang kinakampihan nila, palibhasa kasi babae. "Hayssttt ako na naman! Sige na Madison you've won! Bilisan mo na late na tayo. Coding ako ngayon kaya sasabay na ako sa iyo!" asik na sabi nito "Whatever! Tara na, nakakahiya naman sayo Mr. CEO kung ma late tayo!" "Baka pati sa loob ng sasakyan mag-aaway kayo hah! Baby be nice to Madison ok?" sabi ng mommy nila at sobrang ikinatuwa naman ni Madison dahil sa tinuran ng ina. Hindi naman sumagot si Enzo, habang ngiting ngiti si Madison. Nasa school na sila, as usual late na naman sila. Halos patakbo niyang tinungo ang kanyang klase. Kasalukuyang nagtuturo ang kanilang professor nang mapansin siya nito. "You're late again Ms. Williams!" Hindi naman siya kumibo bagkus tahimik na lang siyang umupo sa kanyang pwesto. Nakita pa niya ang grupo ni Cheanneli na tila nang-aasar na naman. "Girl, kulang sa pansin ang mga yan!" bulong naman sa kanya ni Marco. Matapos ang dalawang subjects nila ay diretso sila sa school canteen, para sa break time nila. "Girl, anong gusto mong kainin?" sabi naman ni Alyana na siyang nagpresinta na bibili ng kanilang snacks. "Ikaw na bahala, girl." sagot naman ni Marco "Water na lang please!" nagkatinginan naman ang dalawa na tila nagtataka. Ngayon lang nangyaring tubig lang gusto ng kaibigan nila. "Sissy, may lagnat kaba? May sakit kaba?" habang pareho nilang hinawakan ang noo nito. "Hindi ka naman mainit girl! May himalang nangyari kay Madison. Tell me girl, may problema kaba? Kaya ayaw mong kumain?" Ngumiti naman ito sa kanila, saka nagsalita. "Nakapag isip-isip na kasi ako mga sissy. Tama kayo, kailangan kong tulungan ang sarili ko. Alam ko naman na hindi niyo ako pababayaan diba? Tutulungan niyo naman ako!" Hindi naman nakaimik sina Alyana at Marco. Bagkus tumayo sila at sabay siyang niyakap ng dalawa. "We're so proud of you girl! Andito lang kami tutulungan ka namin. Kami ang bahala sayo.Bukas na bukas din, sasama ka sa amin!" Kinabukasan× Maagang nagising si Madison, alas kwatro pa lang ng umaga ay naggayak na siya. Lalabas na siya ng mapansin siya ng guard. "Maam, saan po ang punta niyo? Maaga pa naman po!" "Kuya magja- jogging lang po ako, huwag po kayo mag-alala kasama ko naman sina Alyana at Marco." "Pero wala po kayong kasamang bantay, baka magalit po ang daddy niyo kapag umalis po kayo ng mag-isa." "Dito lang naman kami sa village kuya, hindi po kami lalabas.Ako na lang po bahalang mag explain kay Daddy!" Hindi na muling nagsalita ang guwardiya. Ang saya ng awra niya, ganado siya ngayon. Ito na talaga, gagawin niya ang lahat para pumayat siya. Gagawin niyang inspirasyon si Sebastian. At masayang masaya silang tatlo habang nagja jogging. Pagkatapos nilang mag jogging ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Saktong papasok na siya ng dinning ng mapansin niyang kumakain na ng breakfast ang kanyang mga magulang at ni Enzo. Nagtataka naman ang tatlo habang nakatingin sa kanya. Dahil siguro sa suot niyang pang jogging. Nakita naman niyang pigil sa pagtawa si Enzo. "Walang himala! Sigurado ngayon lang yan Mmy. Magsasawa din yan. Lalo na kapag nakakita yan ng masasarap na pagkain hihihih..!" Lumapit siya kay Enzo, sabay sabunot sa buhok nito. Napangiwi naman ang kambal niya dahil sa ginawa niya. At may mga sumabit pang buhok sa kamay nito dahil napalakas siya ng sabunot dito. "Kahit kailan talaga panira ka! Ang ganda ng umaga ko Enzo, kontrabida ka talaga! Hindi ba pwedeng suportahan mo na lang ako? Hmmpp!" "Stop it! Baby, I'm so happy for you. Sana tuloy tuloy na yan hah?" malambing na sabi ng kanyang mommy. Tumango naman ito, at nagpaalam na siyang papasok na sa kanyang kwatro para makapaghanda na siya papasok sa school. "Gagawin ko ito para sayo aking Sebastian. Sana dumating yung araw na makikita mo ako na bilang ako. Ipapakita ko din sa Cheanneli na yun na hindi lang siya ang may karapatang maging sexy." Humugot siya ng hininga. At nakangiting lumabas ng kanyang kwarto. Desidido na siya na gagawin ang lahat para pumayat. Kung tutuusin maganda naman siya, maputi. Yun nga lang hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura dahil sa pagiging extra large nito. "Kapag ako pumayat, who you kayong lahat sa akin! " Kekembot kembot na naglakad papunta sa kanyang kotse. At masaya naman ang kanyang parents dahil sa nakikita nilang pagiging positive ng kanilang unica iha. Naninibago man dahil hindi man lang ito kumain ng breakfast. Pero masaya sila sa naging desisyon ng anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD