bc

In the Warm Embrace of a Billionaire

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
playboy
heir/heiress
drama
small town
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ang dalawang puso na galing sa magkaibang estado ang magtatagpo. Isang pag-iibigan ang nabuo na hindi plinano. At dalawang puso ang magkakasugat ngunit sa kabila ng sakit ay muling mag-iisa sa mainit na yakap na hangad nilang pareho.

Zeya's ambition in life is to finish her studies, find a decent job, and help her parents. Ngunit ang simpleng pangarap na iyon ay naging mas mahirap tuparin nang mag-cross ang landas nila ni Lorenz De Varela, ang masungit, at masama ang ugali na apo ng yumao nilang amo na ubod sa itim ang budhi. Galit at pagkainis ang lubos niyang nararamdaman sa binata ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti-unting naglaho ang masidhing galit at napalitan ng mainit na haplos at yakap sa kanyang puso. Kahit anong pigil at kahit anong iwas ay nakita niya na lang ang kanyang sarili sa bisig ng lalaking hindi niya kailanman akalain na magugustuhan niya. And her feelings grew deeper that she starts wanting for his touch and kisses even though she knows that her heart will be shattered in the end.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Naghahalo ang matamis na halimuyak ng mga bulaklak na nagmumula sa mga libo-libong puno ng kapeng nakahilera sa plantasyon. Ang mga dahon nito ay nagsasayaw at berdeng-berde na tila nang-aakit sa sinuman na pumitas. Ang malakas na pag-ihip ng hangin na nakakadagdag ng aliwalas ng paligid ay siyang naging dahilan kung bakit hindi ko maiwasan na titigan bawat sulok ng plantasyon na naaabot ng akin mga mata. “Nay, ang sabi ay darating ang apo ni Don Lorenzo para pamahalaan ang plantasyon. Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang mailibing si Don Lorenzo pero wala pa rin,” hindi ko na napigilang itanong. Tipid na napangiti si Nanay saka mahinang umiling. “Hindi ko masasagot ‘yon, Anak. Hilingin na lang natin na kasing buti at kasing galing ni Don Lorenzo ang apo niyang mamahala dito. Sana hindi magbago ang sistema ng plantasyon dahil malaki ang naitutulong nito sa atin,” sabi ni Nanay at doon ako napatingin sa mga kasamahan namin dito na kagaya namin ang umaasa lang sa plantasyon upang mabuhay. I grew up here. And I see it firsthand how this plantation help us. Ito ang nagbibigay sa amin ng tirahan, trabaho, at pati na rin ng edukasyon kaya nang pumanaw si Don Lorenzo ay lubos na nagdalamhati ang lahat. The town of Valderama mourns for his lost because our town lost its jewel. He was the savior of this town. Siya ang dahilan kung bakit walang nagugutom sa munting lugar na ito at ngayon namaalam na siya ay hindi pa rin matanggap ng lahat. Ang usap-usapan ay may apo ang Don ngunit sa dalawang linggong burol nito ay wala man lang dumating. Lahat halos mga tauhan at kaibigan. Ang pati ng sekretarya niya ay ang apo nito ang susunod na mamamahala ngunit dalawang linggo na ulit ang lumipas ay wala pa rin. This plantation is successful but without its leader, it will slowly fall. At kaming mga manggagawa ang madadamay. Hindi lang ang pamilya ko ang nakaasa sa plantasyon kaya lahat kami ay naghihintay sa bagong mamamahala na hindi namin alam kung darating pa ba o hindi na. Higit tatlumpong ektarya ang sakop ng plantasyon at higit sampung libo kaming namumuhay dahil dito. Don Lorenzo’s death affected all of us. Halos ilang linggo ko nang iniisip kung saan kami lilipat kung sakaling mag-iba ang kalakaran ng plantasyon. “Baka hindi pamahalaan ito ng apo ni Don Lorenzo dahil sabi-sabi diba na namatay ang anak ni Don Lorenzo na hindi sila nagkakaayos kaya siguradong hindi rin malapit ang apo ng Don sa kanya,” rinig kong usapan ng ilang trabahador sa malapitan na siyan dumagdag sa kaba ko. Ngunit lahat ng kaba ay napalitan ng saya nang tumatakbong palapit sa amin si Mang Ernesto na kakababa sa luma niyang pick up. “Mga kasama pinapatawag tayo sa mansyon! Dumating ang apo ni Don Lorenzo!” masaya niyang anunsyon. Napangiti ako at nabuhayan ng loon dahil sa wakas hindi na kami mawawalan ng hanapbuhay. Maganda ang kalooban ni Don Lorenzo kung kaya’t siguradong maganda rin ang kalooban ng apo niya. “Tara na, Nay,” masayang aya ko. “Teka lang, babalik muna ako sa bahay at titingnan ko saglit ang mga kapatid mo. Sumabay ka na sa Tatay mo at susunod ako maya-maya,” sabi niya saka siya dali-daling bumalik sa bahay kung nasaan ang dalawa kong kapatid. Ako naman ay lumapit na kay Tatay na excited na nagpapaandar ng motor niya. “Kasing bait siguro ni Don Lorenzo ang apo niya,” sabi ni Tatay na tinanguan ko nalang. “Zeya, hintayin mo ako,” sabi ng kababata kong si Mayet at mabilis na ring umangkas sa motor ng tatay niya kaya bahagya ko siyang tinawanan. Sabay-sabay kaming tumungo doon at sa laki ng plantasyon ay inabot kami ng halos tatlumpong minuto. Kita ang saya sa ngiti naming lahat lalo na nang matanaw namin ang isang sasakyan na hindi pagmamay-ari ni Don Lorenzo. Saulado naming lahat dito ang mha sasakyan ng yumaong Don at ang bagong sasakyan sa harap ng mansyon ngayon ay siguradong pagmamay-ari ng apo niya. “Zey, nasaan siya? Papasok ba tayo?” bulong sa akin ni Mayet na kaagad kumapit sa braso ko. “Hindi ko alam,” mahinang bulong ko saka nililibot ko rin ang mata ko sa paligid para hanapin ang bagong mamahala sa plantasyon. Kaming mga magsasaka palang ang nandito at wala pa ang mga nagtatrabaho sa factory. Nantili lang kami sa labas at ilang sandali pa ang bumukas ang malapad na pinto ng mansyon at tumambad sa amin ang isang matipunong lalaki. Wala sa sariling napasingkap ako. I did not expect him to look like this. “Binabati po namin ang pagdating niyo, Señorito,” nakangiting pagbati ni Manb Ernesto at halos lahat ay bahagyang yumuko kaya napalunok ako at sumunod na rin. “Hala, bakit ang gwapo?” mahinang bulong ni Mayet. She’s right. Ano nga ba ang inaasahan kong mukha ng apo ni Don Lorenzo? Pandak, pangit, maitim, at hindi maganda ang katawan? No. The guy in front of all of us is a God. Hindi siya pandak. Hindi siya maitim. Maganda ang tindig niya at lalong hindi siya pangit. “I just want to see all of the farmers in this plantation. No wonder that this plantation earns a penny. Does my grandfather hired you because of pitty?” sabi niya sa matigas na boses na nagpatahimik sa aming lahat. Nabura lahat ng ngiti at excitement. Lahat ay napalitan ng kaba at tanong sa isipan. “I’ll be the one to manage this from now on. And don’t expect me to be like my grandfather. Half of you will lose your jobs. From now on, modern technologies will do most of the work so I don’t need thousand of farmers to water and harvest the coffee.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Patawad, Señorito, ngunit dito po umaasa ang mga pamilya namin—” “I don’t care. You may leave now. I’ll call you for further announcements,” sabi nito. Napatulala ako sa lalaki hindi sa paghanga kung hindi sa inis, at galit. Hindi ako makapaniwala na ito ang apo ni Don Lorenzo. Kung ano ang ikinabuti ng kalooban ng Don ay ganoon naman kasama ang apo niya. “Excuse me po. Ilang taon na pong nagtatrabaho ang mga manggagawa sa plantasyon na ito at pinapahalagahan ni Don Lorenzo ang bawat isa. Hindi po tama na sa unang araw ng pagdating niyo ay marami sa amin ang mawawalan ng trabaho kahit hindi niyo pa naman alam kung paano tumatakbo ang plantasyon,” buong lakas na sambit ko. He slowly turned to me. Nagtagpo ang aming mga mata at sa mga pagkakataong ‘to ay tila sumikip ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman. Init at galit ang nangingibabaw. Akma niyang kukunin ang mga mata niya sa akin ngunit ilang sandali pa ay ibinalik niya rin ito. He slightly smirked but his eyes stayed cold. “From this day on, everyone will follow me. If you dare to oppose then you are free to leave my land,” he coldly said before turning his back to us. Nanginig ako sa galit sa lalaking ‘yon na kaagad kong kinuyom ang kamao ko. Hindi ko alam na nabubuhay pala si Satanas sa katauhan ng apo ni Don Lorenzo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
709.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
948.3K
bc

A Warrior's Second Chance

read
340.9K
bc

Not just, the Beta

read
338.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook