CHAPTER 69 - Her new mission

1679 Words
SA LOOB ng General hall sa loob ng Matsui Villa, nakahanda ang japanese table na pang animan para sa meeting na iyon. Sakto para sa kanilang anim. Magkatabi si Prin at Cally katapat nila si Zuki at Cobra. Nasa magkabilaang gilid si Cloud at Rob. Napakunot ang noo ni Cally nang marinig na may nagbebenta ng droga sa opisina nila. Hindi niya akalain na may maglalakas ng loob na gumawa ng kalokohan sa ilalim ng pamamalakad nilang mag-ama. "Kaya ko kayo pinatawag, their main target is the artists under MGM dahil sila ang mapera,” paliwanag ni Rob. "Habang hindi pa talamak ang umiikot sa opisina niyo, kailangan na nating alamin at hugutin ang kung sino man ang 'tulak'." Hindi na nagulat si Cally kung ang target ay artists ng MGM. "Pero Dad, kahit na sabihin pa natin na mapera ang mga artist ng MGM, hindi ako makapaniwala na may maglalakas ng loob na magbenta ng droga sa opisina." Hindi na nakatiis na sabi ni Prin. "Ako din, ang masaklap pa, ginagawa nila ang transaksyon sa White Devil kaya tinanggap ko agad ang misyon nang malaman ko iyon.” matalim ang mga tingin ni Rob dahil sa pagkairita. Nakadagdag sa gulat ni Cally ang bagay na iyon. Kilala ang White Devil bilang mamahalin na bar. Executives, celebrities ang mga umiinom sa lugar. May mga VIPs na gumagawa ng kalokohan lalo na sa pribadong kwarto pero bawal ang kahit anong klase ng drugs. "I can locate the culprit in MGM, pero hindi ako makakasiguro na malolocate ko ang taong iyon sa mas mabilis na paraan,” sabi ni Cally na halatang malalim ang pag-iisip. "Sa tingin ko, isang baguhan ang may sala at ang taong hinahanap natin. Isang trainee o new hired na manager, o kaya naman ay recruit mula sa ibang kumpanya." Malalim ang pag-uusap nila sa buong dalawang oras kung ano ang gagawin. At hindi matanggap ni Prin ang kinatapusan ng meeting na iyon.   NAKASIMANGOT si Prin habang nagba-browse sa kanyang laptop. Nakadapa siya sa ibabaw ng kama at patuloy na nags-search kung paano gagampanan ang bago niyang misyon. "Honey, bukas na iyan. hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Cally. "Hmp! You don't love anymore." Tuloy lang siya sa pag-browse. "Bakit mo naman nasabi? I am the most brilliant and doting husband all over the world." Nakadagdag sa pagka-inis ni Prin ang malapad na pagkakangiti ng asawa niya. "Doting my ass! May doting husband ba na ilalagay sa alanganin ang wife niya? Why did you suggest it?" Naiinis si Prin kapag naaalala niya ang suhestyon ni Cally para makilala kung sino ang 'tulak' ng pinagbabawal na pills o drugs sa opisina. "Because I am brilliant! You are not alone anyway; Kai is together with you. Lusot pa kami parehas sa parusa dahil isang misyon ang gagawin niya. Don't you like him to be here?" Inikutan niya ito ng mata "I don’t! I don't like it dahil kapag mas malapit siya, mas lumilinaw ang mata ko na nagkaroon ako na bato na asawa. Isang lata ng asukal kung magpalitan ng sweetness ang taong iyon at ang Angel niya. Kahit tubuhan ay hindi mananalo sa kasweetan nila. And you think na natutuwa ako na nanonood sa kanila lalo na kung may ganyan akong asawa. Hmp!" Tinuro niya pa si Cally. Inirapan niya ito. Natatawa si Cally ng lihim. Para parusahan si Prin sa pag-aalala na ginawa nito sa kanya. Naging suhestyon niya na magtrainee si Prin bilang dancer sa MGM. Kasama si Kai. He is looking forward to see her dance moves na ikinagagalit nito dahil hindi pa naranasan ni Prin ang sumayaw, ang kumanta o kahit na ano. Pumayag si Rob at ang Daddy niya kaya walang nagawa si Prin. Wala namang ibang pwede na magpanggap na 'spy' kun’di silang dalawa lang ni Kai bilang parehas silang may face value. Na-inform na niya si Kai pero napamura lang ito sa kabilang linya. Alam niyang tulad ni Prin ay kinasusuklaman siya nito sa ngayon. "Honey… why don't you practice right now and let's see how good your dancing skills are." Pang-aasar pa nito. Tiningnan ni Prin ng masama si Cally. "Oh! That look!" napapalakpak pa ito ng isang beses. "...I know you really wants to do it, but sorry hindi pa tapos ang isang buwan kaya hindi pa pwede." Dagdag na pang-iinis ni Cally. Prin "...." "You know what? You better be ready na maaga kang mab-byudo dahil mamamatay ang misis mo ng maaga dahil sa high blood sa iyo!" Nanggigil sa inis si Prin kaya niligpit niya na ang laptop at tinalikuran niya na ito ng higa. Niyakap siya ni Cally sa likuran ng natatawa ng lihim. "I'm sorry na, Honey. I just wanted to tease you a little bit. I believe you can do it kaya iyon ang naisip ko." Natutuwa nga si Cally dahil alam niyang seryoso si Prin sa mga misyon nito tulad na lang ng bagay na iyon. Ayaw nito ang task na iyon pero nagsimula na itong magresearch.   KAUSAP ni Bella ang Mommy niya sa telepono isang gabi nang makarinig siya ng katok sa pintuan.  "Mom, have to go… I miss you so much!" "Are you sure Honey, that you are doing good kahit mag-isa ka lang?" tanong nito. "Yes, Mommy. By the way, I-I have a boyfriend and he is a Taiwanese."  Napangiti lang ang Mommy niya sa kabilang linya. "The guy named Kai?" "H-how did you know?" "You are my daughter, maaari ba naman na wala akong alam? I am stalking your account… Inaabangan ko nga kung ilang linggo lang kayo e.” halatang nanunudyo ang tono ng boses ng Mommy niya. "Mommy!" namumula ang pisngi niya sa tudyo nito. Tumawa lang ang ginang sa kabilang linya. "Have to go Ma.” paalam niya dito dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Umulit ang katok kaya pinutol niya na ng tuluyan ang tawag. Lumapit siya sa pintuan para silipin kung sino ang bisita niya. Wala siyang makita sa peep hole kaya medyo kinabahan si Bella. Binuksan niya lang ng maliit ang pintuan saka sumilip. Dalawang tao ang nasa harapan ng unit niya na hindi niya inaasahan na makita doon. Ang asawa ng Daddy niya at ang anak nito na si Maya. Matalim ang tingin ng ginang na nakatitig sa kanya. Dating modelo ang ginang kaya napanatili nito ang pagiging glamorosa, may balingkinitan na katawan at halatang alaga ang kutis. Nabigla si Bella na makita ang dalawa doon dahil alam niyang sikreto ang tirahan niya sa pamilya ng Daddy niya. Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan at hindi pinahalata na nabigla siya sa mga ito. "He-hello po." magalang na bati niya. "Leave this place!" diretsong sabi at hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa kung ano ang kailangan nito sa kanya. Nanlaki ang mata ni Bella dahil sa sinabi nito.  "Huh? D-dito po ako nakatira." Tinaasan siya nito ng kilay. "As far as I know, this place is owned by my husband." nanghahamak ang tingin nito sa kanya, si Maya ay tahimik lang sa tabi nito. "Get out!" akmang papasok na ito sa loob. "No! Please, I am begging you… wala akong malilipatan." pigil niya dito. Nagsimula nang mataranta si Bella. Nasa abroad ang Mommy niya at iniwan siya nito doon sa pangangalaga ng Daddy niya kaya wala siyang ibang matutuluyan kun’di ang condo unit lang na iyon. Tinulak siya ng ginang dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. "Get out! Tatawag ako ng guard para paalisin ka dito. This is owned by my husband and basically mine! Hindi ka welcome dito." Nagsimulang mangilid ang luha ni Bella. Natatakot naman si Maya na makialam sa gilid. She wanted to help Bella but she was afraid. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Nauna lang siya ng ilang buwan na ipanganak sa dalaga Pailalim siyang tiningnan ng ginang. "Lumuhod ka sa harap ko saka ako magde-decide kung papayagan kita na manatili dito o hindi." Nakakuyom ang kamao ni Bella, kagat-kagat ang labi at hilam sa luha. Pag dating sa babae ay alam niyang wala siyang laban. "Do it!" singhal nito. "No, she will not!" sigaw ng isang malaki at halatang galit na boses. Malalaki ang hakbang ni Kai na lumapit at pinilit siyang itayo. May dalang isang malaking bag ang binata na halatang kauuwi lang nito mula ibang bansa. Nagulat si Bella na makita ito doon. Halos ayaw niyang ipakita ang mukha sa binata dahil nasaksihan siya nito sa pangit na sitwasyon. Mas lalong hindi nagpapigil ang luha niya. "Sino ka para makialam sa problema namin? Hindi mo ba ako nakikilala?" "Wala akong plano na kilalanin ka. Ha! No wonder na pinagtaksilan ka ng asawa mo. Look at you, mukhang alaga sa lypo, mas makapal pa ang foundation mo sa mga gumagamit ng chin chun su.  Tumabingi na ang ilong mo na halatang niretoke." pang-iinis ni Kai. "Y-you!You two, Get out of my house!" galit na galit ito kay Kai. halos mamula na ang mukha nito sa sobrang galit dahil inisa-isa ni Kai ang mga katangian ng ginang. "Misis, huwag masyadong mainit ang ulo." pang-aasar ni Kai. Halatang hindi nito nagustuhan na tawagin itong 'Misis'. Si Maya ay parang na-starstruck kay Kai. "Get oooout!" sigaw nito sa kanila. "Sure, pero sisiguraduhin ko na babawiin namin ang unit na iyan,” sabi ni Kai sa ginang. Umismid ito. "Ha!Isang boytoy na tulad mo pa ang magsasalita sa akin ng ganyan. Bella, hindi ko akalain na mga ganito ang tipo mo. mukhang taga-iskwater!" Napangisi si Kai "I'm not bluffing, sisiguraduhin ko na mapupunta kay Bella ang unit na iyan. And I will make sure na ikaw ang luluhod sa susunod.” Nabigla na lang si Kai nang tumayo si Bella at tumakbo palayo. Tumiim ang bagang niya na sumunod dito. Pagliko ni Kai sa mga pasilyo patungong elevator, nakita niya na kapapasok lang ng elevator ni Bella. Nakahinga siya ng maluwag nang makita sa itaas na bahagi ng elevator kung nasaan ang numero, na paakyat ang nobya niya sa floor kung nasaan ang swimming pool.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD