ANDREI'S POV Maaga akong pumunta sa super market para mag grocery,balak ko kasing pumunta sa opisina ng mahal kong girlfriend para makasabay itong kumain ng lunch. Nagluto ako ng chicken barbecue at pochero dahil paborito yun ni Althea.Nagdagdag din ako ng salad at konting dessert baka gusto din nitong kumain non.Sana magustuhan nito ang niluto ko dahil may kasama iyong pagmamahal.Kinikilig pa yata ako kaya kahit nagluluto ay nakangiti pa ako na parang may saltik sa utak.Mag aalas onse na nang matapos akong magprepare ng lunch.Naligo muna ako saka nagbihis.Nagsuot ako ng casual lang na damit saka ko inilabas sa maleta ko ang isang kahita,inilabas ko mula dito ang isang kwintas na gold na may diamond na pendant.Ito yung binigay ko kay Hikkaru noon.Itinapon daw nito ito sa may basurahan sa

