CHAPTER 1
"Mharimar!" dumadagundong ang boses ni Aling Osang,ang step mother ko na naging kabit muna ng aking amang namayapa. Lumabas ako mula sa aking kwarto para tingnan ito. Ano nanaman kaya ang gusto ng magaling kong nanay-nanayan.
"Ano po iyon Aling Osang?"mahina kong tanong sa kanya.
"Ipagtimpla mo ako ng kape,pati na ang dalawa mong kapatid na babae." asik nito sa akin.
Itinulak pa ako nito papasok sa kusina,na pwede naman nyang sabihin ng maayos.Wala naman akong magagawa kundi sumunod dito dahil sisirain lang nito ang araw ko pag nagkataong sinuway ko ito.Magbubunganga lang ito at ang siste,maririnig pa ng aming mga kapit-bahay. Nakakahiya lang talaga.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay ibinigay ko ito sa kanilang tatlo.
Para akong si Cinderella sa totoong buhay. Kulang na lang ay karwahe,mga alagang hayop,fairy god mother at prince charming na siguradong wala ako ng mga ganun. Ang meron lang sa akin ay kahirapan,isang step mother na masama at dalawang step sisters na ubod ng kapal ng mukha at kapangitan ng ugali.
Iniabot ko lang ang tray ng kapeng hinihingi ng mga ito.
"Ooops! Saan ka pupunta?",pigilsa akin ni Aling Osang gamit ang kanyang isang paa. Nakaupo ito sa sofa,habang ang isang paa nito ay ipinang pigil nito sa paa ko mula sa paghakbang papalayo sa kanila.
"Sa kwarto po,bakit po?",takang tanong ko dito.
Inilahad nito ang kanyang kanang palad.
"Nasaan ang iyong kita kahapon?"tanong nito na akala mo ay may pinatagong pera sa akin.
"Uhm wala napo eh,pinambayad ko na po sa kuryente kahapon Aling Osang. Dumiretso na po ako doon kahapon at baka po maputulan tayo kapag hindi ko pa po nabayaran."
Napaatras ako nang akma nito akong babatukan.
"Ang tanga mo naman talaga ano,bakit mo pa inuna yang lintik na kuryenteng yan? Pwede naman tayong mag-ilaw muna ng kandila o di kaya ay gumawa ka muna ng lampara,bumili ka ng gas diyan sa tindahan at ilagay mo sa garapon ng kaong. Napakahirap talaga mag-isip nyang kukote mo. Ano ngayon ang pambabayad ko sa lending ko aber?",nanlalaki pa ang mga mata nito habang dinuduro ako.
Ang sakit lang kasi,dahil ang akala ko noong una,ay mabait ito,noong bago pa lang syang ipakilala ng aking ama sa akin. Kakamatay lang noon ng aking ina nang iyuwi ng aking ama si Aling Osang at ang kanyang dalawang anak na kasing edad ko.
Kambal ang mga ito kaya pareho sila ng mukha. Ang pangalan nila ay Beauty First at Beauty Second pero hindi ako sanay tawagin sila sa pangalang iyon kaya B1 at B2 nalang ang tinatawag ko sa kanila. Mas maigsi,.mas madali pero yoon nga lang ay hindi ko maiwasan minsan na hindi matawa sa B1 at B2.
Noong una ay mabait pa ang mga ito sa akin, akala ko at mababait talaga ang mga ito kaya tinanggap ko sila alang-alang sa aking ama kahit na naging kabit ito ng aking ama noong panahong nabubuhay pa ang aking ina.
Pero nang mamatay ang aking ama ay bigla silang nagbago. Nagbago lahat ng pakikitungo nila sa akin. Dati,si Aling Osang ang nagluluto para sa amin. Sya ang naglilinis ng bahay at sya rin ang naglalaba ng mga damit nila.
Baliktad na ang sitwasyon ngayon.
Ako na ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Ako na ang kumakayod sa gabi hanggang magdamag,samantalang sila ay puro pasarap sa buhay. Minsan pa ay nagugulat na lang ako dahil nalaman kong nakakautang sa lending si Aling Osang pero pangalan ko ang ginagamit nito kaya dagdag pa yon sa mga iniisip ko kung saan ako kukuha ng pambabayad sa lending nito. Isang beses ay sinita ko ito pero pinahiya lang nya ako sa labas,sa mga kapit-bahay namin,na wala daw akong kwentang anak,na madamot daw ako,na wala naman kasi daw akong binibigay na pera kaya nangungutang sila para magkaroon ng pera. Ok sana kung sa bahay napupunta ang perang inuutang nila pero ang masaklap ay sa sugal ito at alak napupunta. Kailangan ko tuloy magdoble kayod para lamang sa kanilang bisyo. Isama pa sina B1 at B2 na maluho. Magkano lang naman kasi ang kinikita ko sa paglalako ng isda sa umaga. Pinapakyaw ko ang mga iyon mula sa mga mangingisda saka ko binebenta sa mga bahay-bahay. Mas malaki ang kita kumpara sa palengke. Mas pagod nga lang pero diko naman alintana iyon. Gusto ko lang mag-ipon para sa sarili ko para makipagsapalaran sa Maynila. Nasa isang isla kasi kami at malayo ang Maynila dito. Kailangan pang sumakay sa malaking barko para makapunta doon. Hindi pa ako nakaapak doon,ikwinento lang sa akin yon ng namayapa kong ina. Dati daw syang namasukan bilang kasambahay sa isang pamilya roon. Pero nang ipinagbuntis daw nya ako ay hindi na daw ito bumalik pa ng Maynila.
Dahil sa kagustuhan kong makaipon agad ay namamasukan din akong waitress sa isang discohan diyan sa may patay-sindi sa bayan. Napakadelikado ng trabaho ko kaya inuumaga na ako,nakikitulog na lang ako roon. Buti nga at mabait ang boss ko na si Donielyn na naging kaibigan ko narin kalaunan kaya naglaan talaga ito ng kwarto para tulugan ko ng ilang oras sa madaling araw bago ako umuwi ng bahay. Kapag day off ko naman ay sa bahay na ako pero mas doble naman ang pagod dahil aalilain lang ako ng mag-iina,makakarinig pa ako ng kung anu-anong masasakit na salita mula sa kanila.
Mas gusto ko pa nga na nasa trabaho lang ako para hindi ko sila nakikita.
"P-pasensya na po Aling Osang,hindi po kasi pwedeng maputulan ng kuryente dahil dagdag bayarin nanaman po sa pagpapakabit ulit ng kuryente kapag naputulan po.",mahinahon kong sagot sa kanya.
"Ah basta,gawan mo ng paraan bukas yan dahil kung hindi ay ikaw na mismo ang ipambabayad ko sa mga nakautangan ko.",anito na pabulyaw talaga kung makipag-usap sa akin eh ang lapit-lapit ko naman.
Hindi ako sumagot bagkus ay tumalikod lang ako para maglakad pabalik sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama pero di ako dalawin ng antok kahit puyat ako. Nag-iisip ako kung saan pa pwedeng kumita ng mas malaki. Nangangamba kasi akong tumanda na lang dito na walang nangyayari sa buhay ko.
Maaga ako nagising dahil maaga ang bagsakan ng mga isda ngayon sa laot. Bago ako lumabas ng bahay ay isinuot ko ang kwintas na bigay sa akin ng aking namayapang ina.
Tanda ko pa ang sinabi nito bago malagutan ng hininga na ang kwintas daw na ito ang syang magdadala sa akin ng tagumpay balang-araw.
Inisip ko naman na baka yon ang lucky charm ng aking ina at pinasa nya ito sa akin kaya ingat na ingat ako dito,mamahalin pa naman at napatunayan ko iyon nang aksidenteng makita ng isang alahera sa bayan at gusto nito itong bilhin sa akin.
Hindi ako pumayag dahil nakaukit ang pangalan kong Mharimar at may iba pang salitang nakaukit dito na hindi naman nasabi ng aking ina kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.
Itinago ko ang kwintas sa loob ng aking damit para hindi makita ng sino man,lalo na ang mga kasama ko sa bahay,malilikot pa naman ang mga kamay ng mga iyon.
Lumabas na ako ng bahay. Medyo madilim pa kaya wala pang masyadong tao sa daan. Habang naglalakad ako papuntang dagat ay napapansin kong may nakasunod sa aking dalawang lalaki. Binilisan ko ang aking paglalakad ngunit lalo lamang akong kinabahan dahil mabilis na rin silang naglalakad.
Dyos ko,uso pa naman ang holdap at gahasa ngayon.
Wala na akong ibang pagpipilian kundi ang tumakbo ng mabilis. Hindi bale dahil malapit na ako sa dagat,may sasaklolo naman siguro sa akin doon kapag sumigaw ako ng tulong.
Hinahabol na ako ng mga lalaki. Mabuti na lamang at marami nang tao sa dagat kaya hindi ako makikita agad ng mga ito kung magtatago ako sa loob ng barkong nakatigil. Umakyat ako at pumasok sa loob.
Hinihingal pa ako nang pumasoko doon.
Habang nasa loob ako ay dinig na dinig ko ang sinabi ng isang lalaki sa kasama nito.
"Hanapin mong maigi yung babae,bayad iyon ng pagkakautang ni tandang Osang kay amo. Malilintikan tayo kay amo kapag di natin nadala ang babae."
Dyosko,napakasama naman talaga ng Aling Osang na iyon.
Naiyak na lang ako sa kapalaran ko,mukhang hindi na muna ako makakauwi sa amin. Pero saan ako pupunta?
Bigla na lamang umandar ang barko kaya napakapit na lang ako.