Deion point of view*
"H'wag mo silang pansinin, hayaan mo silang mag-isip ng kung ano dahil ang iisipin nila ay balang araw magiging totoo."matapos kong sabihin 'yon ay hinalikan ko ang gilid ng tenga niya.
Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa sinabi ko kaya mahina akong natawa na ikinainis niya lalo.
Sabay kaming lumabas mula sa building nila at 'yon na nga andyan na ang van nila nakaparada na sa entrance.
"Ingat Lizella."aniko ng makasakay na siya sa van. Ako na ang nagsara ng pinto ng van nila bago ako lumapit sa bintana ng driver seat.
"Dahan-dahan sa pagdadrive. Mahalaga sa akin 'yan." nakangiting tumango ang driver niya. Lumayo ako ng kaunti at kumaway.
Pumunta naman na ako sa sasakyan ko. Nang makapasok na ako sa driver seat ko agad akong nagstart ng makina at umalis.
Someone's point of view*
"Go girl!" chair sa akin ng best friend kong si Laidy. Andito kasi kami sa bar at may babaeng sumugod sa akin na girlfriend ng katable ko. Hindi ako hostess no' dito kasi ako nagpapart time at umiinom din ako dito kaya no'ng may nagyaya na magtable kami ay biglang pumasok ang girlfriend niya and boom! War na.
"How dare you!" dinuro ako ng babaeng nasa harapan ko. "Nilalandi mo ang boyfriend ko, napakalandi mo!"nginisian ko nalang siya.
"Are you referring to me?"turo ko sa sarili ko na parang wala lang sa akin ang mga sinabi niya.
"Yes!"
"Akala ko kasi sarili mo ang tinutukoy mo, Denise."banggit ko sa pangalan. Kilala ko naman talaga siya ee, bakit naman kasi hindi ko siya makikilala, eh, siya lang naman ang naging kabit ng ex-boyfriend ko sabihin nalang natin na first love ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya."Ano nagulat ka? Kahit punuin mo pa ng make-up ang mukha mo kilalang-kilala parin kita. Alam ko kasi ang amoy ng mga tunay na malalandi. Saka,h'wag mong ipasa sa akin ang landing meron ka, dahil lumalandi lang ako pag alam kong walang may-ari, pero ikaw? Kahit alam mo nang nabakuran na, inaahas mo pari---"napangiti ako ng makita sa mga mukha niya ang pagkapikon.
"Shut up!"
"Oh,Bakit? totoo naman di'ba?"nagsalubong ang kilay kong humakbang palapit sakaniya. Umaatras siya sa bawat hakbang na ginagawa ko.
"Denise, kung noon nakaya mo ako. Ngayon? Hindi na, hindi na ako tanga." ngayon ay kaharap kuna siya dahil wala na siyang maatrasan.
Nang i-amba ko na ang kamay ko para sampalin siya ng may narinig akong pamilyar na boses na nagpahinto sa akin. "Try to hurt my fiance or else.. Ako ang makakalaban mo." nilingon ko ito at laking gulat ko na makita si Khalid.
"Khalid.." Bulalas ko sa pangalan niya. "F-Fiance?"Utal kong tanong.
"Oo, fiance ko si Denise. Kaya h'wag kang magtangkang saktan siya."banta niya.
"Love" at lumapit si Denise kay Khalid saka ito yumakap sakaniya.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Khalid kay Denise.
"Yes Love." Nag-angat ang paningin niya sa akin.
"Niloloko ka niya Khalid, Siya ang boyfriend niya."Turo ko sa lalaking katable ko kanina.
"Nagpapatawa ka ba? Pinsan ni Denise 'yan, kailan niya pa naging boyfriend ni Denise ang pinsan niya? Kalokohan, gumagawa kana naman ng palusot."biglang kumunot ang noo ko.
"Hoy ikaw, di'ba girlfriend mo siya? Inaway pa nga ako kasi nilalandi daw kita? Di'ba? Di'ba?"paulit-ulit kong tanong pero umiling ito.
"Hindi ko siya girlfriend." Matigas nitong sabi at umalis nalang bigla.
"See? Hindi ako niloloko ni Denise." sabay akbay kay Denise.
"Love,Sinusubokan niyang paghiwalayin tayo."saad ni Denise na ikinagulat ko.
"W-What?! No! Wala akong sinabing gan'yan at saka wala akong planong bumalik sayo."
"You said that? Oh c'mon! Hinding-hindi na ako babalik sayo. Hindi nakita mahal kaya please lang. H'wag kanang magtangkang paghiwalayin kami dahil hindi kami maghihiwalay. Ikakasal kami kahit na magkandarapa ka dyan. WALA. AKONG. PAKIALAM. SAYO."at saka sila umalis. Naiwan akong luhaan habang ang mga tao na kanina ay nagkukumpulan ngayon ay umaalis na. Si Laidy lang ang naiwan, yakap-yakap ako nito habang humahagolhul ako sa sakit. Masakit parin hanggang ngayon.
Lizella point of view*
KARARATING ko lang sa bahay nang mapansin kong parang may kausap si mama sa phone na ikinapagtaka ko.
"Nakipag-away na naman?!" parang naiinis na sabi ni Mommy sa kausap niya sa phone.
"Mom" nahinto siya sa pakikipag-usap ng makita ako.
"Anak, andito kana pala. Kararating mo lang?"Agad akong tumango.
"Sino po ang kausap mo sa phone Mommy? At parang nadidissapoint ka."tanong ko sakaniya. Nakakapagtaka kasi ang reaction niya.
"A-Ang tito mo, napaaway na naman kasi ang pinsan mong si Levine." tumaas ang kilay ko.
"Si Levine? Bakit daw? Anong nangyari?"
"Mahabang kwento mas mabuting magpahinga ka nalang."sabi ni Mommy at inakay ako papunta sa harapan ng hagdan.
"Go baby, magbihis kana at matulog dahil alam kong pagod ka." hinalikan niya ang pisnge ko saka ako itinulak ng marahan paakyat.
Parang may kakaiba sa Mommy ko ngayon. Iwan ko ba ang lakas ng kutob ko na may tinatago sila sa akin.
NANG makaakyat na ako sa kwarto ko humilata nalang ako at inopen ang f*******: ko nang saglit at saglit ding tumunog ang cellphone ko na may nag-message sa akin.
"Good evening Lizella baby, matulog kana ng mahimbing. Take care of yourself." nangunot ang aking mga kilay kasabay ng paniningkit ng mga mata ko.
Napairap ako bago nilapag ang cellphone ko sa kalapit na study table at saka ako pumikit upang matulog na. Sumakit bigla ang ulo ko.