Justin's POV Magkasabay kaming naglalakad ni JP papuntang school ngayon habang dala niya ang aking bag at dalawang libro. Maaga niya kasi akong sinundo kanina at nagulat na nga lang ako ng bigla nalang siyang lumitaw sa aking harapan at niyaya akong sabayan siya sa paglakad. Nagtaka naman ako noong una dahil malayo ang kanilang bahay sa apartment na aking tinitirhan at isipin pang meron siyang sasakyan pero bakit di niya dala? "Gusto kasi kitang kasamang mag lakad eh. Gusto kong eh earn ang trust mo" ang tanging sagot niya ng tanungin ko kung bakit siya nasa bahay kanina. "So anong plano mo ngayong araw?" Nakangiting tanong sa akin ni JP habang hawak ang aking kamay. Medyo awkward nga dahil pakiramdam ko ay masyado ko nanamang minamadali ang lahat at may holding hands na kaagad kami k

