EPISODE 53 THE RESULT PHOEBE’S POINT OF VIEW. “ISA na lang talaga, Ellie, makukurukot na talaga kita sa singit! Hindi nga kasi ako buntis!” inis kong sabi ng muli na namang mabanggit ni Ellie ang tungkol sa pagbubuntis. Hindi nga kasi ako buntis—stress lang ako. Hindi ako pwedeng mabuntis. At isa pa, ang tagal na nung huli kaming nagtatalik ni Alexis, at safe ako ng mga panahon na iyon. “Okay, fine, hindi ka na buntis. Pero bakit ayaw mo pa rin magpa PT? Para lang naman sa assurance, Ate Phoebe. Ako naman ang bibili ng pregnancy test kit sa may pharmacy eh. Hindi kita papagastusin,” seryosong sabi ni Ellie. Ang kulit talaga! Tinignan ko siya ng masama. “Ellie, tama na. Hindi nga kasi ako buntis!” napasigaw na ako dahil sa inis na nararamdaman. “Sino ang buntis?” Muntik na akong a

