EPISODE 51 GOODBYE PHOEBE’S POINT OF VIEW. NALALASAHAN ko na ang dugo ko dahil sa marahas na paghalik ni Alexis sa aking labi ngayon. Hindi ko alam kung para saan itong halik ni Alexis sa akin dahil sigurado ako na hindi ito pagmamahal. Hindi niya ako sasaktan ng ganito. “A-Alexis, lumayo ka sa akin!” Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero mas lalo niya pa akong hinila papalapit sa kanya at idinikit sa kanyang katawan. Bumaba ang halik ni Alexis papunta sa aking leeg. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako na baka may makarinig sa amin at makita nila ang ginagawa ni Alexis sa akin. Mahal ko pa rin siya at nag-aalala ako para sa kanya. “Alexis!” malakas ko siyang itinulak palayo sa akin at nang magawa ko ito ay sinampal ko siya ng malakas sa kanyang mukha. Natigil si Alex

