"Ayoko mang umalis at iwan ang anak ko, but I badly need to go," tumagos sa 'kin ang lungkot sa mga mata ni tita. "Nagkaproblema sa company namin sa France; I need to be there." "Wag po kayong mag-alala tita, ako po ang bahala kay Paulo," sambit ko. Pilit ngumiti si tita at tumango. "Salamat, Wendy. Pero wag mo ring kalimutang magpahinga minsan ha, you need that." Tumango-tango ako. Nang makaalis si tita, bumalik na ako sa upuan sa gilid ng kama ni Paulo. Bagsak ang balikat kong nakatitig sa kanya. Two months na! Mahigit two months ng walang malay si Paulo. From time to time bigla na lang akong naiiyak, pakiramdam ko inuubos iyon katiting na pag-asa ko. Sa loob ng dalawang buwan, wala akong ibang ginawa kundi bantayan si Paulo. Kaunti na lang made-drain na 'ko sa paulit-ulit kong

