Paulo's POV "s**t!" Nagpaikot-ikot ako sa condo, hindi mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko. Nasaan si Wendy? Oh f**k! Kinuha ko ulit iyong cellphone niya. Sinilip ko ang mga messages, wala namang clue kung nasa'n siya. Tinignan ko iyong call history. Daddy Tinawagan niya iyong daddy niya kanina. Oh f**k! Asaan sila? Hinanap ko sa contacts ko iyong pangalan ng papa niya, nanginginig ang mga daliri ko, f**k! "Paulo?!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Karmina at Alexis na nakatayo sa harapan ng pinto. "Alexis, Karmina; si Wendy? Wala siya rito... may dugo." Tinuro ko sa kanila iyong sahig. "f**k!" "Tangina sa'n ka ba galing?" tanong ni Alexis. Hiningal na ako sa sobrang kabog ng dibdib ko. "Sa hospital! Kinailangan kong umalis kasi... nanganak na si Gwen. Pagkatapos ito,

