"Terrence!" sita ko sa kaniya nang kainin na naman niya iyong mangga. Nalilitong lumingon naman siya sa akin habang ngumunguya ng mangga na isinawsaw niya pa sa alamang na medyo matamis. "What?" inosenteng tanong niya sa akin. "Mangga ko iyan!" wika ko. Alam kong maraming nakatingin ngayon sa puwesto namin dahil kasalukuyan kaming nasa swimming pool ng bahay nina Kazimir. Parang araw ko na nga ring lisanin ang islang ito dahil sa ganda ng tanawin. Kaya walang ibang nagawa si Terrence kung hindi magpatayo ng bahay na medyo may kalayuan sa bahay nina Kazimir. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon matatapos pero possibleng aabutin iyon nang ilang taon dahil na rin sa lawak nito. Nandito kami ngayon sa swimming pool dahil nagkaroon nang kaunting salo-salo. Kompleto kaming lahat dito p

