***Belle POV*** "DON'T leave.. I'm sorry.." Bulong ni Strike sa tenga ko at humigpit ang yakap nya sa akin. Nakasubsob ang kanyang mukha sa aking buhok. "I'm sorry.. I didn't mean to embarrass you in front of my friends.." Kinagat ko ang nanginging na labi kasabay nang pagpatak ng luha ko. Pinalis ko naman yun ng kamay. Lalo namang humigpit ang yakap nya sa akin at hinalik halikan na ang aking buhok. "I'm sorry, Belle.. I'm so sorry, sweetie. Please, don't leave.. don't leave me.." Tila naman parang yelo na unti unting nalulusaw ang tampo ko at sama ng loob sa kanya dahil sa mga sinasabi nya. Hindi ko ine-expect na mag so-sorry sya sa akin. Gustong gusto ko na syang harapin at sabihing tinatanggap ko na ang sorry nya at bati kami. "Mababa ang tingin mo sa akin, di ba?" Sambit ko

