***Belle POV*** "I JUST asked Belle to come with me for coffee, mamita. Gusto ko rin kasi syang makakwentuhan dahil ten years din kaming hindi nagkita. I just.. missed her." Ani Strike at lumingon sa akin. Ang mga mata nya ay tila nagbabanta. Napalunok naman ako at tumingin sa senyora. "O-Opo, senyora.. nag aaya po si Sir Strike na magkape." "Ganun ba. Baka pwedeng mamaya na lang, iho. May ipaguutos ako kay Belle." Wika ni Senyora Consuelo at bumaling kay Strike. "Sure, mamita." Nakangiting wika ni Strike at lumingon sa akin. "Hindi pa tayo tapos." Pabulong nyang sambit bago lumabas ng pinto. "Are you okay, iha? You look tense." Puna sa akin ng senyora. Pilit naman akong ngumiti at tumango sabay buntong hininga. "Opo, senyora." Tumaas ang kilay nya. "Are you sure? Iba ang si

