Sa mga oras na 'yon, gusto ko nang pumikit at isipin na nanaginip lang ako. No, this is not real. Pero kahit anong gawin ko, ito na ang reyalidad. So, I have to face it. "Zech, at your back!" rinig kong sigaw ni Genesis. Akmang tatalikod na sana ako pero huli na. Nasaksak na ako ng dagger sa kanang balikat ko. Napangiwi ako sa sakit. Pinagmamasdan lang ako ng lalaking nakasaksak sa akin. Tinawanan niya lang ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko at parang ilang minuto lang ay puwede nang mag-shut down ang katawan ko. "Zecharia!" sigaw ni Genesis. Bumagsak ako sa lupa. Pero nagulat ako nang kasabay kong bumagsak ang sumaksak sa akin. Nahagip ng paningin ko si Genesis. Nakita ko ang mga mata niya. Nagliliwanag ang violet niyang mga mata. Galit na galit siya, at hindi niya tinitigilan ang

