-------- ***Lhea's POV*** - Hindi na ako nasaktan. Hindi na ako nagulat. Inaasahan ko na 'to. Inaasahan ko naman talaga na masaya siya sa pag- alis ko. Natutunan ko nang huwag umasa sa isang tulad niya. Mas mabuti nang laging maghanda sa pinakamalala kaysa umasa at masaktan. Hindi ako tumugon sa sinabi niya. Tinitigan ko lang siya nang diretso, taas-kilay pa, saka ako nagsalita, malamig pero matalas. “So ano na? Sabihin mo na kung ano’ng kailangan mo. Diretsuhin mo na. Wala akong panahon sa mga paliguy-ligoy mo.” Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga, para bang pinipigil ang sarili niyang sumabog. Halatang sinusubukan niyang magpakatino—pero nababanaag ko pa rin ang kumukulong galit sa loob niya. “Bakit mo ibinigay kay Alexander ang 20 million na ibinigay ko sa'yo?” sim

