------- ***Lhea’ s POV*** - Tinupad ko ang hiling ni Chelsea. Isa lang naman talaga ang gusto ng anak ko—ang mamasyal kaming tatlo tuwing Linggo. Para bang gusto niyang maranasan na parang buo kami. Parang isang tunay na pamilya. Kaya heto kami ngayon sa amusement park. Maaga pa kaya wala pa gaanong tao, pero ramdam na agad ang kasiyahan sa paligid. Si Chelsea, hawak ang kamay naming dalawa ni Elixir habang masiglang paikot-ikot sa pagitan namin. Minsan, ako ang nasa kanan niya; minsan naman ay si Elixir. Pero madalas, si Elixir ang hinihila niya palapit. Palaging si Elixir. “Mommy! Daddy! Let’s ride the carousel first!” sigaw niya, sabik na sabik, para bang buong linggo niya itong inabangan at iniisip. Ngumiti ako kahit may kung anong hindi maipaliwanag na kirot sa dibdib ko. “Sige,

