----- ***Lhea's POV*** - Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit ako pumayag na samahan si Elixir sa pamimili ng laruan para kay Chelsea. Siguro dahil nakita ko sa kanya ang isang maliit ngunit malinaw na senyales ng pagsisikap. O baka dahil ayokong makita na muling malungkot ang anak ko. Sa huli, ang tanging mahalaga ay narito kami ngayon—magkasabay sa loob ng isang toy store. At sa totoo lang, hindi ko rin alam kung sino sa amin ang mas awkward sa sitwasyong ito. “Anong gusto ni Chelsea? Mahilig ba siya sa mga dolls? O mas hilig niya ang mga stuffed toys?” tanong ni Elixir habang hawak-hawak ang isang malaking teddy bear na kulay dilaw. Tiningnan ko siya, saka ko tinitigan ang hawak niyang laruan. Gusto ko sanang matawa, pero pinigilan ko. “Elixir, limang taon na si Che

