----- ***Lhea’s POV*** - Tahimik ang buong silid habang pinapanood ko ang doktor na nakatutok sa monitor. Hawak ko ang dulo ng blouse ko, bahagyang basa pa ang tiyan ko mula sa gel ng ultrasound. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko— natatakot ako kung bakit biglang sumakit ang tiyan ko kanina. Huminga nang malalim ang doktor at saka tumingin sa akin, malumanay ang tinig niya. “Ms. Lopez, good news. Wala naman pong nakikitang problema sa baby ninyo sa ngayon. Stable ang heartbeat, nasa tamang laki rin siya para sa age of gestation. Maayos ang development. May kunting hemorrhage pero hindi naman delikado. May i- resita lang ako sayo para maiwasan lumala pa ito." Napakapit ako sa gilid ng kama, parang may bumagsak na malaking batong iniangat sa dibdib ko. Napapikit ako ng mariin, s

