HABANG nasa opisina si Radson, tumawag ang private investigator nito na inutusan niya para ipahagilap si Amanda. Kung nagsasabi ito ng totoo na nasa Paris siya ngayon para abutin ang pangarap niyang maging isang modelo. “Sir, it's true that she's working at the agency and she's a model there,” wika ng investigator habang magkausap sila ni Radson sa linya. “A’right. What else? I'm pretty sure, she's doing something there,” tugon ni Radson habang nagpipirma ang isang kamay ng mga papeles sa harapan niya na kailangan ng approval niya. “Yes po, Sir Parker, the truth is, her manager is also her secret lover. They are living in the same roof, sir. Nalaman ko rin po na. . . dati na silang may relasyon d'yan pa lang sa Pilipinas habang magkasintahan kayo,” pagbibigay alam ng investigator na i

