HABANG papasok ng subdivision ang kotse ni Radson, nahagip ng paningin niya ang bulto ni Thalia sa gilid ng daan. Napalingon siya doon na nangunotnoo at naihinto ang kotse na pinagtitigan ang babae at hindi nga siya nagkakamali! Napahigpit ang hawak niya sa manibela at naningkit ang mga mata. Unti-unting nanikip ang dibdib nito na hindi matagalang makita si Thalia habang kasama ang nobyo nito at nagsusubuan pa sila dito sa gilid ng daan! “Damn, hanggang dito ba naman. . . pinupuntahan ka niya?” nagngingitngit ang mga ngiping usal ni Radson. Nasira ang mood nito na inabot ang bouquet na nasa front seat na inihagis sa gilid ng daan at saka nag-uturn. Naglahong parang bula ang plano nitong kausapin si Thalia at subukang ilapit ang sarili niya dito– baka sakaling magawa nilang maayos ang ka

