Maagang nagising si Edward. He will travel back today to Manila. Dalawang linggo na mahigit simula ng makalabas ng hospital ang anak na si Edmund. Huling nakita niya ito ng personal ay nang lumabas ito ng hospital. Nagkasya lang siya na tanawin ang anak mula sa malayo. Gustong-gusto niya nang lapitan at yakapin ang kanyang anak. Ngunit nagtitimpi siya. Sinunod niya ang gusto ni Trinity at suhestyon nito. They will be co-parenting with their child, aaminin nila kay Edmund ang totoo kapag nakuha na niya ang loob ng anak. Mabilis ang bawat kilos niya. Pagkatapos maligo at magbihis ay agad na hinablot niya ang susi ng kanyang sasakyan sa bedside table. Ngunit hindi sinasadyang napatitig siya sa ibabaw ng kanyang kama. Kama kung saan ibinigay ni Trinity sa kanya ang pagkababàè nito kapalit

