“Tapos na, nabili na lahat ng dapat bilhin kaya pwede na tayong umuwi.” Nakangiti na wika ni Manang Anita. Tumango siya. Agad na inubos niya ang kinakain na french fries at ininom ang buko juice na kanyang hawak. Tinapon niya sa malapit na basurahan ang pinaglagyan ng french fries at ang plastic bottle ng buko juice saka ngumiti kay Manang. “Tara na po!” Ngunit bago niya maihakbang ang mga paa paalis ay biglang may humawak sa kanyang kanang pulso. Basi sa init ng palad nito at male scent, alam niyang si Edward iyon. Isang hingang malalim ang kanyang ginawa bago ito nilingon. Sumama si Trinity kay Manang sa pamamalengke. Para sana iwasan si Edward. Pero parang nanadya ang pagkakataon. Maging si Edward ay sumama rin. “Bakit?” Takang tanong niya. Ngunit hindi siya sinagot ni Edward. Ng

