Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa ko ang lahat ng yun kay Austin. "Hinding hindi na talaga ako iinom." Wala sa sarili na saad ko habang kumakain. Napatingin naman ako kay Jojo ng bigla itong umubo at ngumiti ng makahulugan sa akin. Pero agad itong siniko ni Isabelle kaya bigla itong nag iwas ng tingin sa akin. "Miss Mich, tungkol po pala kagabi. Gusto ko po sana mag sorry dahil sa mga naging tanong ko. Hindi ko po sadyang ungkatin ang past niyo ni sir Austin. " Hinging paumanhin ni Venus habang nakayuko sa harap ko. Alam kong nahihiya ito sa akin ngayon dahil sa mga tinanong niya kagabi. Hindi ko rin naman siya masisisi, kung ako siguro sa kalagayan niya at curious ko sa kung anong nangyari sa relasyon ng boss niya sa model ng kumpanya baka mag tanong rin ako. Sa ib

