AMY'S P O V " Maayos na ba 'yang pakiramdam mo at papasok ka na? " nag- aalalang tanong pa ni Nanay kahit nakikita na n'yang naka- bihis na ako uniform ko sa hotel at sabay- sabay na kaming kumakain ng almusal. " Opo, 'Nay! " magalang kong tugon ngunit natatawa naman ako, " Dapat nga po kahapon pa, kaya lang po kailangan kong mag- submit ng Medical Certificate kaya po nagpa- check up muna ako. " dugtong ko pa sabay inom ng tubig na nasa baso. " Naku! 'De mahihinto na pala iyong araw- araw na nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak at prutas? " patudyong sambit naman ni Nanay " Ayyyiiiii si Ate, dumadami ang manliligaw! " tukso naman ni Arman na kinatawa ko na lang. " Aalis na po ako, para hindi ako ma- late sa aking trabaho. " paalam ko na lang at hindi ko na pinansin ang panunukso nila

