DUKE'S P O V Hanggang sa makabalik nga kami sa hotel ay mainit pa rin ang aking ulo. Lalo na nang makita kong hindi n'ya gamit ang binili kong shoulder bag noong nasa cruise pa kami. Luma pa rin ang dala- dala n'ya at halata namang mumurahin. Hindi naman sa pinipintasan ko ang kan'yang bag, maayos naman at maganda ngunit, luma na nga kaya naiinis ako. Ang dami namin ni Beth na binili sa kan'ya tapos wala yata s'yang balak gamitin? " Paki - timpla mo ako ng kape, black, no sugar. " utos ko sa kan'ya pagka- upo ko sa aking swivel chair at pagpasok pa lang namin sa loob ng aking opisina. " Yes sir! " mabilis naman n'yang tugon at lumabas ng office ko para tunguhin ang pantry malapit sa table ng aking totoong Secretary. Binuksan ko naman ang laptop para mag- umpisa na nang trabaho. Whol

