AMY'S P O V " Tara naman sa casino! " excited pa ring aya ni Beth nang maubos namin ni Duke ang aming iniinom. " Sure! Let's go!? " sang - ayon naman n'ya sa suggestion ni Beth. " S - Sige! " kiming tugon ko naman na para bang may choice akong tumanggi. Kaya magkahawak kamay na naman kami ni Beth na naglakad palabas ng Masquerade Ball. Sa amin na pala itong mask na suot namin. Pagkalabas nga namim ay diretso na kami sa sixth deck. kung nasaan ang tinutukoy ni Beth na Casino. Wala naman ngang entrance fee pero need naming bumili ng pocker chips. Para raw kung gusto kaming laruin ay malalaro namin. Naka - sunod pa rin sa amin si Duke, hinayaan na lang namin. Hindi naman s'ya pina - paalis ni Beth eh, s'ya naman kasi ang masusunod sa aming dalawa. Kaya hanggang maubos namin ang binil

