Chapter 49 “You are mine. Mine alone.” Hindi alam ni Robin kung paano siya muling nakabalik sa silid dahil sa nangyari kanina sa kusina. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at pinagpapawisan siya ng malamig. “Anong nangyari sa ‘yo?” Napatingin si Robin kay Khia nang lumabas ito mula sa cr sa kwarto niya. “Pulang-pula iyang mukha mo?” Naupo ito sa ibabaw ng kanyang kama habang pinupunasan ang buhok na basa. Ang tingin nito sa kanya ay nanunudyo. “Bumaba ka? Pinuntahan mo si Alex ‘no?” tanong sa kanya ni Khia Tumango siya at lumapit dito pagkatapos ay kinuskos ng kanyang mga kamay ang dress na suot niya. “Pinansin niya itong suot ko, n-nagalit ata.” Pumalakpak si Khia sa kanya at ibinaba nito ang towel sa ibabaw ng table na malapit sa kanila. Sa totoo lang ay grabe ang kaba n

