PROLOGUE
LANI
Currently I am typing my resume at ang sabi rito ay ilagay ko ang pangalan ko kaya nilagay ko ang real name ko na Lani Frances. Then, hinihingi ang pen name ko as a writer kaya ang nilagay ko ay ‘WhiteLady’.
Why, whitelady, if you are asking me?
Iyon ay dahil birhen pa ako sa edad ko na 25. Wala naman ako problema as a woman dahil pinatingin ko na ang matres ko and all are normal, thanks to God.
Well, sa tingin ko na problema ay ang mga lalaki. They don’t find me attractive with my dark rimmed-eyeglasses. Then so be it. I am not going to change my look just because you don’t like me. Wala akong pake sa totoo lang kung ayaw niyo sa akin. All I need is my family and I’m good. Hindi naman ako naghahanap ng lalaki. Isa pa, I can take care of myself.
Isa ata akong babaeng strong and independent woman! Kaya ko buhayin ang sarili ko!
At habang ako ay nag-iisip ng kung anu-ano ay I typed my email address, my social media accounts and all necessary information para lang makapagpasa ako nang synopsis for my new upcoming story.
Well, isa lang naman ako na underrated writer pero marami na ako nabasa na comments na maganda raw ang lahat ng stories ko. Sa totoo lang kasi ay nagsusulat lang ako sa social media account ko and I think mayroon na akong 10 completed and free stories na nagawa pero wala akong sariling page, certificate na nagsasaad na I’m a real writer, at hindi naman ako sikat kaya underrated ang tawag sa amin. Pero siyempre may pangarap ako.
I want to be a famous writer and producer someday. Gusto ko rin na makagawa nang sarili kong mga movies, ang tawag doon ay director. Ayun ang pinakagusto ko makamit balang araw.
And as of now ay marami na ako nare-received na chats from strangers. May mga tao na nagsasabi ng thank you messages, comments about my story na kesyo sana ganito-ganiyan, at may mga tao rin na inaalok ako na magsulat sa platform nila. I replied naman pero madalang. At iyon ay dahil mas gusto ko igugol ang oras ko sa pagsusulat kaysa sagutin ang lahat ng chats sa akin. I have time to do that pero mostly, I write stories talaga.
Sa isang araw nga ay nakaka-20 thousand word counts ako kapag walang umiistorbo sa akin. Introvert kasi akong tao at mas gusto ko na manatili sa loob ng bahay kaysa lumabas at makihalubilo sa mga iba’t-ibang tao sa labas. At least dito sa bahay ay parents ko lang ang nakakasama ko at wala nang ibang tao. Hindi rin ako nanonood na nang television dahil nakaka-stress manood sa totoo lang. Lumalabas lang ako sa kwarto ko kapag tatawagin ako nang Mama or Papa ko para kumain. Isang anak lang kasi ako kaya nasa akin ang lahat ng atensyon nila at dahil laking probinsya ako ay puro gulay lang ang kinakain namin most of the time. We are not rich and we are not poor either. We have a decent house na galing pa sa Lolo at Lola ko kaya we don’t have to pay a rent, but still, my parents pay utilities. And I am trying to help them by applying my story to different sites just to earn money kahit na maliit.
Tapos ako nang kursong mass communication at laking journalism class ako when I was on my youth. And right now, I have no job dahil sobrang hirap ng buhay dito sa probinsya. I would like to go to Manila to try my luck pero natatakot daw ang parents ko kaya naman I agreed to them to stay here sa Cebu. Ang kaso walang opportunities dito, sa Manila lang.
Kaya naman here I am and applying again. I hope this time around ay may tumanggap sa akin na agency kahit na assistant of the writer or anything na related sa kursong kinuha ko. Ayos lang sa akin.
— — —
Fast forward, after 13 years ay sa wakas na-promote na ako bilang PRODUCER!!!
Yes, yes!
After all the hard works ay sa wakas nakamtan ko rin ang matagal ko nang minimithi!
And yes, 43 years old na ako ngayon at wala akong pake kung dalaga pa rin ako hanggang ngayon.
Choosy, ang lola niyo kaya ‘wag na kayo magtanong.
May nanliligaw pero siyempre career first before love life. And if you are going to ask me if I already gave away my first kiss then, the answer is a big NO!
Of course not!
Aba, Filipinang babae ata ito.
Never been touch.
Never been kiss. (Except to my parents)
And, Never been make out sa mga lalaki.
Some of my co-workers are pushing me to go out and have a date and because I am kind, siyempre pinatulan ko. Pero sa kasamaang palad ay wala pa pumapasa sa standard ko.
And what are my standards?
First, tall. Should be taller than me.
Second, kind. Especially to my family.
Third, knows how to respect everyone.
Fourth, siyempre may itsura.
Fifth, kumpleto ang ngipin.
Why the fifth? Well, with all due respect po, most people fell in love because they saw their beautiful and handsome partner’s smile. So, it’s counted!
“Direk? Direk?”
Narinig ko na boses kaya idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang assistant ko na si Lei.
“Bakit, Lei?” tanong ko at tuluyan na ako nagising. Umayos na ako nang upo since I am on the set sa ginagawa kong movie film.
“Nandito na po ang mga artista natin. Rolling na po ba tayo?” magalang na tanong ni Lei sa akin.
“Oo, rolling na at kanina pa ako naghihintay,” mabait na sagot ko pero sa totoo lang ay naaasar na ako at kanina pa ako naghihintay rito.
Ang tatagal naman kasi nang mga artista na ito!
Tumayo na ako sa silya ko at pumalakpak para tawagin ang mga talented na artista.
“Come here now! Come here now!” tawag ko.
Mabilis naman na pumunta sa harap ko ang tatlong artista at ngumiti sila sa akin.
Mabait akong direktor sa mabait sa akin pero siyempre kung walang consideration then, wala akong pake.
I, then, give them all a serious look.
“Do you know what time is it now?” mataray na tanong ko.
At napatingin ang tatlo sa nga relo nilang suot.
“Kanina pa ako nagtatawag dito, ‘di ba? Anong oras na? Ala-una na nang hapon! Ngayon, umalis kayo sa harapan ko dahil ayaw ko makipagtrabaho sa mga artista na katulad niyo na ang babagal kumilos! Tandaan niyo, this is my story! This is my set! This is my film! Now, kung ayaw niyo sumunod sa patakaran ko then, go! You are free to go! Alis!” galit na galit kong sigaw at tumalikod na ako sa kanila.
Nauubos din ang pasensya ko.