1- Lani

1527 Words
January 15, 2021 "And the best producer in the Filipino Films Festival award goes to no other than but...Lani Frances!" anunsyo nang lalaking host sa ibabaw ng stage at pumalakpak ng malakas. Pumalakpak din ang lahat at tumingin sa direksyon ng isang babae na nakasuot ng black-rimmed eyeglasses na may mahabang rebonded hair, habang ang babae ay tumayo na may suot na black tube inside of her black blazer at naka-puting palda na mahaba. Despite of her old and weird taste of fashion ay hindi mapagkakaila ang husay niya sa paggawa nang mga Filipino films. "Please, come here to the stage, Ms. Lani Frances," sambit ng host na inanyayahan ang nanalo na umakyat ng stage. Umakyat sa stage si Lani at tumayo katabi ang host. “Thank you so much for this acknowledgment. I owe this to my family for an endless love they give to me, my team for the support, and my viewers for making this movie successful. Thank you, everyone,” speech niya and she blow a flying kiss to everyone, at saka siya bumaba nang stage. Ang lahat naman ay nagpalakpakan ng malakas. Thereafter ay umuwi si Lani sakay ng kaniyang mamahalin na sasakyan, habang ang isang matandang babae sa loob ng bahay na nakasilip sa bintana ay nakita ang pagdating nito na nagpaalarma sa kaniya. “Nandito na siya! Nandito na siya!” sigaw ng matandang babae at tumakbo paloob ng kusina kung nasaan ang iba pang tao para sabihan sila. Naalarma rin ang mga tao sa sinabi nang matandang babae at biglang nagsiayos, habang si Lani ay naglakad papunta sa pinto na may bitbit na limang plastic na pasalubong niya para sa pamilya niya. Alintana ang pagod na nararamdaman niya kung para sa pamilya kaya balewala sa kaniya ang bigat na bitbit niya. She then knocked three times at isang matandang babae ang nagbukas ng pinto para salubungin siya. “Anak! Welcome home!” masigla at walang mapagsidlat ng tuwa na bati nang mother ni Lani. “And congratulations!” sigaw ng lahat na tao sa loob, pa-welcome sa nag-iisang successful na film-maker sa pamilya nila. Lumaki ang ngiti ni Lani dahil sa surprise and big welcome nang buong kamag-anak niya pero natuon lalo ang atensyon niya sa mother niya na nasa harapan niya. “Hi, Mama,” masayang bati niya at niyakap ang mother niya nang mahigpit but with tender loving care. “Amin na ang mga ito, anak. Nag-abala ka pa,” sambit ng matandang lalaki na Papa ni Lani at kinuha ang limang plastic sa kamay ng kaniyang anak, at saka ibinaba sa katabing sofa. Ngumiti rin naman si Lani sa father niya at ibinigay ang mga bitbit niyang plastics at saka niyakap din ito. “Hello, Papa.” “Salamat sa Diyos at nakauwi ka nang ligtas, anak,” tuwang-tuwa na banggit ng father ni Lani. “Syempre, Papa, hindi pwede na hindi ako uuwi sa special day na ito,” masayang tugon ni Lani at humiwalay ng yakap sa father niya to give him a wide grin. Maya-maya ay nagkantahan ang lahat ng Happy Birthday song para kay Lani at napuno nang tawanan, biruan, at saya ang buong bahay nang family Frances. Nagbigay din ng pasalubong si Lani sa ibang kamag-anak niya na kinuha niya sa limang supot ng plastics na dala niya kanina at ang lahat ay pinuri siya na sanay na sanay siya marinig. Di kalauna ay isa-isa na nagpaalam ang ibang kamag-anak ni Lani hanggang sa tatlo na lang sila na naiwan sa bahay. Niyakap ni Lani ang mga magulang niya nang mahigpit at walang sawa na nagpasalamat sa Panginoon dahil sa mga blessings na patuloy niyang natatanggap sa araw-araw. “Salamat po, Ma, Pa,” mahinang sabi ni Lani sa kaniyang mga magulang. “Masaya kami at nandito ka na ulit,” sambit ng father ni Lani at tinapik ang likod ng anak niya nang dalawang beses. “Sana magtagal ka rito kahit isang linggo lang, anak,” tinuran naman ng mother ni Lani na kaagad nangulila dahil alam niya na aalis kaagad ang anak at hindi magtatagal sa bahay nila. Pagkarinig ng sinabi nang mother niya ay humiwalay ng yakap si Lani at hinarap ang kaniyang mga magulang na may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. “Ma, Pa, good news, may isang buwan akong pahinga after the Film Fest kaya yes, magtatagal ako rito. Isang buwan ako rito dahil pinayagan ako nang agency ko na mag-bakasyon pagkatapos ng nakakapagod na December,” magandang balita niya. “Salamat naman at nagkatotoo ang mga panalangin ko,” sabi nang mother ni Lani, at niyakap ulit niya ang anak niya dahil sa sobrang kagalakan. “Ma, Pa, magbalot-balot kayo nang mga gamit, ha,” paalala ni Lani na lumaki lalo ang mga ngiti dahil sa surprise getaway na balak niya para sa kaniyang mga magulang. “At bakit naman, anak?” tanong ng father ni Lani na kumunot ang noo dahil sa pagtataka. Humiwalay ulit si Lani sa mother niya at hinarap ang kaniyang mga magulang at sinabi, “Kasi, Ma, Pa, kumuha ako nang tatlong tickets for Boracay trip. Ito, oh.” At inilabas niya mula sa kaniyang maliit na bag na nakasabit sa kaniyang balikat ang tatlong tickets na iwanagayway niya sa harap ng mga ito. “Aba,” sambit ng father ni Lani at kinuha ang tatlong tickets para basahin ang mga nakasulat sa tickets. “Ano ito? January 18 hanggang February 10? Totoo ba ito, anak?” hindi makapaniwalang tanong niya at tumingin ulit sa anak niya na gulat na gulat. “Yes, Pa, totoo po iyan. Kaya maghanda po kayo at tayo ay pupunta nang Boracay!” hiyaw ni Lani na hindi mapigilan pa ang tuwa na kaniyang nararamdaman. — — — Lumapag na ang eroplano at tumuloy sa isang magandang resort ang pamilya ni Lani na malapit sa Boracay beach. Isang kwarto lang ang kanilang kinuha pero may dalawang bed at may magandang set of dining and kitchen area. Manghang-mangha ang kanilang mga mata sa kanilang mga nakikita nang isang tawag ang natanggap ni Lani kaya nag-excuse muna siya sa kaniyang nga magulang at lumabas ng kwarto to answer the call. “Hello, Dawn?” panimulang sabi ni Lani over the phone. “Hey, Lani, what’s up?” bati pabalik ng isang bading sa kabilang linya. “Bakit ka napatawag? Nandito ako ngayon sa Boracay and having a wonderful vacation with my family. Don’t tell me tumawag ka para lang may ipagawa sa akin?” bungad na mentioned ni Lani para lang ipaalam na she is having a good time with her family kaya ayaw niya nang interruption knowing na lagi na lang tumatawag ito kapag nasa masayang getaway siya. “I am so sorry, Lani. This is urgent. Alam ko na you are having fun with your family pero kasi...the agency is looking for a new writer and she wanted me to look for it pero I’m going to pass it to you and you do it kasi nga that is your expertise. Hindi naman ako magaling diyan kaya ikaw ang uutusan ko na maghanap. After finding you kasi marami na ang dumagsa na commercial sa akin and that’s thanks to you. Anyway, patawad kung paghahanapin kita nang talented writer on your vacation pero don’t worry once na nakahanap ka ay may 50 percent ka na dagdag salary from me once nakahanap tayo ng talented writer for our agency. You know it already dahil nakailang writers ka na rin na na-recruit. Naalala mo si Kevin na kinuha mo? Ayun, ang galing sa fantasy movies,” paumanhin and at the same time, puri ni Dawn kay Lani. “Oo, naalala ko,” sagot ni Lani and she rolled her eyes dahil alam na alam niya kung saan pupunta ang pag-uusap nila. “How about Din, naalala mo siya? She’s now good at writing witches story na nanalo rin,” sunod na kwento ni Dawn. “I know, I know. Okay, fine,” buntong-hininga na sabi ni Lani. She had enough with the fluttery kaya naman she suddenly become serious. “I will recruit and look for another writer, but in one condition,” pasubalit niya. “And that is?” nag-aalinlangan na tanong ni Dawn dahil kilala niya kung paano makipag-negociate si Lani. “Make it 70 percent. Pang-lima mo na ito sa akin, eh. I better make it higher para alam mo na,” nakangiting mentioned ni Lani for assurance at para hindi na siya abusuhin ng manager niya. “60 percent,” tugon ni Dawn na napakamot ng batok niya. “75 percent,” higher na bid ni Lani and she smirked. “What? Grabe ka naman, Lani,” malungkot na saad ni Dawn sa kabilang linya while he is facing his laptop. “Take it or leave it?” tanong ni Lani na napamamewang, meaning na hindi siya magpapatalo sa manager niya. “Fine, fine! 70 percent it is,” walang nagawang replied ni Dawn at napabuntong-hininga siya as he surrendered. “Deal it is,” masayang responded ni Lani dahil nanalo siya sa manager niya na alam niyang walang laban sa kaniya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD