1 - Velvet Society

1504 Words
Chapter One "Chief!" malakas kong tawag sa pulis na kalalabas lang ng prisinto. Nang nakita ako ni Marcus ay agad itong kumaway sa akin at tumakbo pa para lang makalapit. "Sol, anong ginagawa mo rito?" agad kong iniabot ang merienda na binili ko lang sa kanto. "Para sa 'yo," ngiting-ngiti na ani ko sa kaibigang pulis. "Uy! Salamat, Sol. Pero uulitin ko ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" kilalang-kilala talaga ako ng kaibigan kong ito. Alam na alam niya kung may pakay ako sa kanya o wala. "May balita na ba roon sa case na pinapasilip ko sa 'yo?" iyon lang naman ang pakay ko rito. Malaman kung may nasagap na itong balita sa kasong matagal ng binasura. "Sol, alam mo naman ang sagot d'yan. Wala pa. Sinusubukan ko naman. Pero wala talaga akong makuhang impormasyon." Napabuntonghininga ako. Nagbakasakali lang din naman talaga ako. "Sige pala. Pero try mo lang ha. Kahit kaunting impormasyon lang." "Sinusubukan ko, Sol. Nangako ako sa 'yo 'di ba?" tumango naman ako rito. "Salamat dito sa merienda. Alis na muna ako. May pupuntahan pa kasi kami." "Ingat!" pilit kong pinasigla ang tinig. Bagsak nga lang ang balikat dahil negative na naman ang resulta ng pagpunta ko rito. Gusto ko lang namang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng tatay ko at pagkawala ng nanay ko. Pero ilang taon na ang nakalipas ngunit walang nangyari sa kaso nila. Nagsimula akong lumakad patungo sa sakayan. Walang pasok ngayon kaya nakuha kong puntahan ang kaibigan kong si Marcus. Tiyak matagal na naman akong makakabisita rito sa trabaho niya. Isang kahig, isang tuka. Kung hindi ako kikilos ay tiyak gutom ang aabutin ko. Lumaki akong walang magulang. Pinalaki ng foundation at ng mag-18 ay ako na ang kusang umalis doon. High school lang ang natapos ko. Nagtrabaho agad ako pag-alis ng foundation. Ang kinikita ko ay napupunta sa living expenses ko. Ang extra ay ginagamit ko sa paghahanap ng kasagutan sa napakaraming tanong tungkol sa aking mga magulang. Paglulan ko ng jeep ay naupo agad ako sa pinakaunahan at pagkasandal pa lang ng likod ay napatulala na agad. Kailan ko makukuha ang kasagutang kailangan ko? Sobrang tagal na. Ganito ba talaga kapag mahirap? Walang sagot na makuha? Walang hustisya? Sa tagal kong tumulala ay hindi ko namalayang umusad na ang jeep. Kung hindi pa nagparinig ang pasahero na iabot naman ang bayad ay hindi pa ako matatauhan. Buti nga'y hindi ko rin nakalimutan magbayad ng pamasahe. Nang nakarating sa babaan ay pumara na ako at agad bumaba. Lalakarin ko na lang papunta sa inuupahan kong bahay. Mag-isa lang akong namumuhay roon. Maliit lang at sakto lang para sa katulad kong namumuhay na mag-isa. Iyon nga lang walang katahimikan sa lugar dahil sa mga kapitbahay. Hindi naman nila ako ginugulo mismo. Maingay lang talaga sila at magulo sa kanilang mga bahay at kalsada na rinig na rinig ko. "Uy! Ganda, bili ka na!" kuha ng tindera na si Aling Garcia. Ngumiti lang ako rito't umiling bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Narating ko ang inuupahan kong bahay. Pagbukas ko ng pinto ay hindi pa man naisasara iyon ay narinig ko na si Aling Agnes na nagmamadali sa paglapit sa bahay. "Sol, may pambayad ka na ba ng upa?" malakas nitong tanong na para bang nais nitong marinig ng buong barangay ang paniningil nito. "Aling Agnes, next week pa ang due date ko---" pinutol agad nito ang sinasabi ko. "Alam ko naman iyon, Sol. Wala kasi akong pera ngayon. May bibilhin akong cellphone. Kulang ang hawak ko. Singilin na kita ngayon," mahinang ani ng babae. No'ng ipinagsigawan nito iyong tungkol sa upa ko ay ang lakas-lakas. Ngayon halos bulong na lang ang paliwanag nito. "Sandali lang, Aling Agnes. Kukunin ko lang," akmang papasok ito pero isinara ko na agad ang pinto at tinungo ang silid ko. Nasa cabinet ang pera at nag-iingat lang din naman ako dahil hindi ko rin naman masasabi kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang mga taong nasa paligid ko. Pagkakuha ko ng 2500 ay binalikan ko ang ginang na parang inip na inip na agad kahit pa wala pang dalawang minuto ako sa loob. "Bayad ko po," magalang pa rin naman ako kahit pa panay ang irap nito sa akin kahit walang dahilan. Agad niyang kinuha iyon at isinuksok sa bulsa. "Sol, birthday nga pala ng anak ko bukas. Ayaw mo ba talagang mag-sideline." "Sideline po?" takang tanong ko. "Oo, Sol. Birthday ni panganay. Alam mo namang type na type ka ng anak ko. Baka pwedeng iregalo kita sa kanya," mas lalong nagsalubong ang kilay ko, "kahit isang gabi lang. Bigyan kita ng 700." "Aling Agnes, ano po bang tingin n'yo sa akin? Pokpok?" gusto kong maging kalmado pa rin kahit na hindi ako natutuwa sa naririnig ko rito. Pero parang nag-iinit ang ulo ko. Napipikon ako. "Sol, ang liit lang ng sahod mo sa opisinang pinagtratrabahuan mo. Baka kung asawahin ka ng anak ko'y mas gumanda pa ang buhay mo." "Aling Agnes, tigilan mo ako. Hindi nakakatuwa iyang mga sinasabi mo," seryosong ani ko sa ginang, "kung wala ka na pong ibang kailangan pa ay pwede ka ng umalis." "Sol, isang gabi lang naman. Tiyak ko namang hindi ka na virgin. Lalo pa't ginagabi-gabi ka no'ng pulis. Pero parang hindi ko na nakikita iyon ngayon." Napabuntonghininga ako saka ako umatras at malakas na isinara ang pinto. Hindi na ako nagpaliwanag pa tungkol kay Magnus. Kaibigan ko lang talaga ang lalaki at walang namamagitan sa aming dalawa. Nang nai-lock ko na iyon ay lumakad ako patungo sa couch at pabagsak na naupo. Mukha ba akong pokpok sa paningin ng matandang iyon? Nakakapikon. Tsk. Anong mapapala ko sa batugan niyang anak? 35 years old na binubuhay pa rin ng nanay niya. Hindi bale na lang. Nagkakandakuba ako sa trabaho para lang mabuhay tapos mag-asawa ng gano'ng klase ng lalaki? Kadiri. Inis na inis pa rin ako ng may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo at bahagyang binuksan iyon. "Sino ka?" tanong ko sa babaeng nakatayo sa harap ng pinto. May iniabot ito sa akin na kulay itim na envelope saka siya umalis. Takang-taka naman akong napatingin sa envelope na hawak ko na ngayon. Dahil umalis naman na siya ay isinara ko na lang muli ang pinto saka ako bumalik sa upuan na dala iyon. Pagkaupo ay agad kong binuksan ang envelope at tinignan ang laman. May isa pang envelope roon na ng ilabas ko ay binuksan ko rin agad. "Invitation? Ano 'to?" takang-taka na bulalas ko. "V-elvet Society? Anong kalokohan naman ito?" takang ani ko. Sa invitation na naroon ay na sumali sa Velvet Society. Naka-indicate roon na confidential ang nilalaman ng invitation na iyon. Trabaho ang ino-offer. Anong klaseng trabaho? Initsa ko ang invitation sa mesa. Hindi ako interested. May trabaho naman ako eh. Pero sa paghagis ko ay flash drive na lumabas mula sa envelope na basta na lang kasing initsa sa mesa. Agad kong dinampot iyon. Tinitigan kong mabuti at nagpasyang kunin ang laptop sa kwarto at isalpak iyon doon. Agad bumungad ang logo ng Velvet Society. Sosyal. Pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang pinanonood ang video. "Velvet Society is a secret, invitation-only network that exists beneath high society and is hidden from the public. To most people, it doesn’t exist, but within elite circles it is known as a controlled system built on secrecy, status, and influence. Access is strictly limited and managed through rankings, contracts, and anonymous arrangements, where powerful individuals compete for opportunities within the organization." Isang babae ang nagsasalita sa video. "And you are invited to join Velvet Society." Sa haba nang sinabi ng babae ay nakatulala lang ako. Sa buong video ay ipinaliwanag kung ano ba ang Velvet Society. Pero iisa lang ang tumanim sa isip ko. High end pokpok ang trabahong inaalok nila. Yawa! Ano bang meron sa araw na ito para maka-encounter ako ng mga ganitong bagay? Kanina si Aling Agnes inaalok ako na patulan iyong anak niya. Ngayon naman ay isang website na nagbebenta ng babae ang nag-aalok sa akin ng trabaho. Isinara ko ang laptop. Kalokohan. Ginagago ba nila ako? Pero muli ko ring binuksan ang laptop ko at nagpatuloy ang video. Doon ay nilatag na ang mga trabahong pwedeng gawin sa loob ng Velvet Society. Ang tumatak sa isip ko... iyong escort at adult live streamer. Malaki ang pinapangakong perang kikitain. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong na-focus sa video. Kung 'di ang sinasabi ng babae na kaya nila akong tulungan na hanapin ang mga kasagutan sa tanong ko. Parang sinadyang gawin ang video na iyon para talaga sa akin. "Hinahanap mo ang sagot sa mga katanungan sa nangyari sa magulang mo? Masasagot iyan sa tulong ng Velvet Society. Call us, Solidad Celeste." Napakurap-kurap ako. Hindi makapaniwala na natapos ko ang video na iyon na para bang interested ako. "What the heck?" mahinang ani ko. Dinampot ko ang invitation card. Pinagmasdan ko iyon. Saka ko lang din napansin ang numera kung saan nila ako nais na tumawag. Parang natutukso ako. Tatawagan ko ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD