“We will go to that. But for now, I want you to stay with me for a month,” diretsahang sabi niya na nagpataas na naman ng kilay ko. Nakaramdam na naman ako ng inis dahil akala ko ayos na ang usapan namin. “Sander, please. Maniwala ka, hindi ako puwedeng magtagal dito. May naghihintay sa akin kay–” “At sino naman iyon?” mabilis niyang putol sa sasabihin ko. “Iyong Axel na iyon? Hell, no! Babawiin na kita sa kaniya at kapag pinilit mong iwan ako rito I will just kill myself!” deklara pa niya na halos magpahinto sa t*bok ng puso ko. Napamaang ako at hindi agad nakahuma sa sinabi niya. His facial reaction is a combination of anger and determination. “Nababaliw ka na ba? Hindi mo ako pag-aari, Sander. At ako ang magdedesisyon para sa sarili ko kung kanino ako sasama at kung saan ko gustong

