“Ingat ka sa pagmamaneho, okay? Call me when you got home. Thank you sa paghatid sa akin. I love you, Joshua.” I gave him a last kiss on his lips. “I love you too.” Matapos niyang sabihin iyon ay bumaba na ako ng sasakyan niya. Pinakuha ko sa guard namin ang mga gamit ko sa likod ng kotse ni Joshua. Hindi ko na siya pinababa pa ng sasakyan dahil baka mamaya ay hindi ko lang hayaan na umalis siya dahil mami-miss ko kaagad. Hindi na rin naman siya bumaba pa saka na niya pinaharurot pa ang sasakyan paalis ng bahay namin. Naramdaman ko na naman ang pagiging mag-isa. Nakakalungkot dahil hindi man lang kami mas nagtagal pa na magkasama ni Joshua. Nang tuluyan na makapasok sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng mga katulong namin saka ko ibinigay ang bagahe ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng

