Chapter 5

975 Words
Chapter 5: New Home Nauna ng bumaba sa akin si Ellen kaya naman kaagad akong sumunod. Nagtataka kong sinundan ng tingin ang likod ni Kolas, I mean, Nicholas. Hindi ko maintindihan kung bakit dito niya kami dinala. Hindi na ito bahay, mansion na ito dahil sa sobrang laki. Bumukas ang malaking pinto ng mansion, double door ito kaya naman sobrang garang tingnan. Para kaming mga Hari at Reyna. Pagpasok namin sa loob, isang matandang babae ang sumalubong sa amin. “Magandang gabi, Sir Nico,” bati ng matanda kay Kolas bago tumingin sa amin ni Ellen nang may nagtatakang tingin. Tumango lang si Kolas habang nakapamulsa at mukhang may iniisip. “Magandang gabi po sa inyo, Manang,” bati ko sa matanda kahit hindi niya kami binati ni Ellen. Ngumiti ito sa akin at magsasalita na sana nang biglang magsalita si Kolas Balasubas. Hmp! Muntik ko ng masampal ang sarili kong labi dahil muntik ko ng masabi ang salitang balasubas. Palihim kong pinagalitan ang sarili. “Manang Nuring, pakihanda po yung dalawang guests room at pakisabi rin sa mga katulong na magluto ng marami,” utos ni Kolas. Pagkasabi niya ay naglakad na siya papunta sa may sala at umupo sa isang sofa roon. Kaagad kaming sumunod ni Ellen at naupo. Siyempre, uupo talaga ako dahil pagod ako. Masakit na nga mga binti ko. Pagtingin ko ay wala na sa aking tabi si Ellen. Mukhang naglibit-libot ito. Nilingon ko si Kolas. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang siya ay nakapikit. Marahan ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang humihinga. Napansin ko rin ang kunot niyang noo. Kahit ganoon ay guwapo pa rin ito sa paningin ko. Biglang lumundag ang aking puso, nagulat ako at napalunok. “Hoy, Kolas,” tawag-pansin ko sa kanya. “Alam mo bang matanda na si Manang Nuring?” tanong ko sa kanya. Kunot-noo niya akong binalingan. “I am not blind, woman,” pabalang niyang sagot bago nag-iwas ng tingin. “Ganoon naman pala, eh. Galangin mo siya kung ayaw mong malasin sa buhay,” paalala ko sa kanya. “Tsk! Who are you to tell me what to do? At puwede ba, stop calling me Kolas!” inis niyang sabi at tiningnan ako ng masama. Bumuntonghininga ako. “Kolas, my boy, bakit ba ang init talaga lagi ng ulo mo? May kaaway ka ba? Iniwan ka ba ng girlfriend mo? Baka naman gusto mo ng ice cream, kasi ako, oo. Pahingi,” mahaba kong litanya. Napahilot siya sa kanyang sentido na animo'y sobrang sakit ng kanyang ulo. Bigla akong nagka-ideya. Tumayo ako at nagpunta sa likuran niya. “Hey . . . W-what are you d-doing?” nauutal niyang tanong matapos kong hawakan ang kanyang ulo para masahiin. “Hindi mo naitatanong, magaling akong magmasahe ng ulo kaya mamasahiin ko ang ulo mo para mawala ang sakit kaya relax kalang diyan,” nakangiti kong sabi. Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at tatanggalin na sana pero mabilis ko ring hinampas ang kanyang kamay. “Sinabi nang mag-relax ka lang,” sermon ko pa. Naiinis siyang sumuko at sumandal na lang sa likuran ng sofa at ipinikit ang mga mata. “Ayon! Susunod din naman pala, eh. Pinahirapan pa ako, tss. Parang bata,” usal ko sa aking isipan. Dumapo ang aking paningin sa makinis niyang mukha. Ang makapal niyang kilay na nagbibigay nang supladong awra. Ang kanyang matangos na ilong ay bagay sa kanyang maliit na mukha. Huminto ang aking paningin sa mamula-mula niyang labi. Hmm, mukhang hindi siya naninigarilyo. Hindi ko maiwasang isipin— “Ano kaya ang lasa?” wala sa sarili kong tanong. Huli na nang mapagtanto koh naisatinig ko pala ang tanong na nasa aking isipan. Kaagad kong natakpan ang sariling labi at nanlalaki ang mga mata na tumunghay kay Kolas. Nakatingala na siya sa akin ngayon at kunot ang noo. “What did you say?” tanong niya na lalong nagpataranta sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at wala akong mahita sa aking isipan. “H-Huh? Ah! Ang sabi ko, nasaan pala ang girlfriend mo?” hindi nag-iisip kong tanong na lalong nagpakunot ng kanyang noo. Mukhang hindi yata niya nagustuhan ang aking nasabi. Huhu, sana hindi niya ako narinig kanina. “I don’t have a girlfriend,” maikling sagot ni Kolas. Halata sa boses niya ang pait at mukhang galit nga siya. “Ah, ang mga magulang mo?” tanong ko ulit. Hindi ko na kasi alam kung ano ang sasabihin. “Canada,” tipid niyang sagot at pumikit ulit. “Edi, ikaw lang pala mag-isa?” Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng malaking sala. “Ang laki-laki ng bahay mo tapos wala ka pang asawa? Kahit girlfriend wala? Unbelievable!” “Well, as you can see, I have Manang Nuring and some maids and bodyguards,” palaban niyang sagot. Bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa sinabi niya. Mukhang ang lungkot siguro ng buhay niya, eh. “Hay, sayang, guwapo sana—” “What did you say?” tanong niya na tiningnan ako sa mata. “Hay, naku! Marami sigurong tutuli sa tainga mo, ano?” tanong ko imbis na sumagot. Pinanliitan niya ako ng mata. “Don't make me repeat my question.” “Ang sabi ko, guwapo ka pero bingi!” Dahil sa gulat ay kaagad akong tumakbo palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta na lang ako kumaripas ng takbo. Nag-iinit ang mukha ko at hindi ko alam kung paano siya haharapin. Bigla ko na lang kasing sinigaw ang mga salitang iyon. Jusko po! Ano ba itong bibig ko at palagi na lang akong pinapahamak? Pagliko ko sa isang hallway ay tumama ang katawan ko sa isang matigas na bagay. Napairit ako dahil sa sobrang sakit nang bumagsak ako sa sahig. “Aray ko po!” pikit-mata kong singhal habang hingal na hingal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD