---- Note: Guys, binago ko nga pala ang Prologue nito. Balikan niyo na lang kung gusto niyong basahin muli. Thanks. - ***Zariyah's POV*** - "A-Anong ibig mong sabihin?" nanginginig kong tanong sa kanya, nanlalaki ang mga mata ko habang nakatulala. Ayaw tanggapin ng utak ko ang pilit isinisigaw ng isip ko—ang ipinahihiwatig ni Arnold sa kanyang mga salita. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, mariing nakatitig sa akin na para bang nais akong supilin gamit lamang ang kanyang mga mata. Humakbang siya papalapit, dahilan para bahagya akong mapaatras. Napangisi siya, tila ba aliw na aliw sa nakikita niyang reaksyon ko. "Akala ko matalino ka, gaya ko. Pero mahina pala ang kakayahan mong umintindi. Hindi ko akalaing kailangan ko pang ipaliwanag sa iyo sa pinaka-literal na paraan," aniya na may

