-------- ***Zariyah’s POV*** - Napaupo ako sa sahig, umiiyak habang yakap-yakap ang hubad at nanghihina kong sarili. Pakiramdam ko ay masyadong ibinaba ni Aiden ang aking pagk*babae, ipinaramdam niya sa akin na hindi ako narapat- dapat sa respeto niya. Hindi ko magawang itaas ang aking paningin sa kanya; bawat hagulgol ko ay parang isang pagbitaw sa kaunting lakas at dignidad na natitira pa sa akin. Ramdam ko ang lamig ng sahig na parang sumasalamin sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. “What I did to you is my way to punish you, Zariyah. Siguro naman ngayon naiintindihan mo na kung ano ang pinakaayaw ko—ang ikumpara ako sa ibang tao, lalo na sa mga taong walang-wala sa kalingkingan ko. Sa susunod, hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa’yo kaya mag-ingat ka sa mga sasabihin mo.”

