------- ***Third Person’s POV*** - "Ang init!" reklamo ni Zariyah. Nagising ito nang ipinasok niya ito sa kotse. Buong akala niya, wala nang epekto ng druga sa katawan nito pero nagkamali siya. Dahil nang nagising ito, mas lalong lumakas ang epekto ng druga sa katawan nito. Tumingin s'ya dito. Nakita niyang hinubad nito ang suot na blouse at naiwan sa katawan nito ang isang nude color na bra. Hindi n'ya mapigilan ang mapalunok at mabuhay na naman ang matinding pagnanasa niya dito. Pero kailangan n'yang pigilan ang sarili. Hindi n'ya dapat samantalahin ang kalagayan nito. Wala ito sa tamang pag- iisip. Ayaw niyang galawin ito na wala ito sa tamang pag- iisip. Ayaw niyang lumabas na parang pinagsamantalahan niya ito. Gusto niyang ginagawa nila ang bagay na iyon na pareho silang nasa ka

