------- ***Third Person’s POV*** - Matalim ang mga mata ni Aiden habang nakatitig kina Liezel at sa mga kaibigan nito, kasama ang limang lalaki na halatang may masamang balak kay Zariyah. Ang titig niya ay parang mga patalim—matalas, mabigat, at puno ng poot. Sa sobrang galit niya, pakiramdam niya ay kaya niyang pagsasaksakin ang mga ito ng walang pag-aalinlangan. Ngayon lang siya nagalit ng ganito kalala—isang galit na may halong takot, pagkamuhi, at matinding pagka- alala. Karga niya ngayon si Zariyah sa kanyang mga bisig—walang malay, mahina, at tila lantang-lanta. Namumula ang pisngi nito, para bang ilang beses na sinampal. Sabog din ang buhok nito, at bakas sa mukha ang pagod at takot. Ramdam niya sa bawat paghinga nito ang bigat ng sinapit mula sa kamay ng grupo ni Liezel. Habang

