Hindi n'ya maipaliwanag kung anong puwersa ang nagtulak kay Eunice para tumango s'ya sa asawa at pumayag s'ya at magpatangay s'ya sa silakbo ng damdamin nilang dalawa. Nasa loob na sila ng kuwarto nilang dalawa ngayon kung paano at bakit sila nakarating bigla roon ay hindi n'ya na maalala pa sa labis na nakaliliyong damdamin at sensasyon na lumulukob sa kanilang dalawa. Sa kanilang dalawa ay alam niyang siya ang higit na nasa katinuan upang mag-isip sa kung ano ang tama sa mali ngunit hindi n'ya talaga alam kung bakit tila gusto n'ya pa ang mga nangyayari. She's caught between two opposite emotions between lust and attraction. Inaamin naman n'yang attracted s'ya sa asawa n'ya noong una pa lang na nakita n'ya ito sa mansyon noong unang araw na makaharap n'ya ang lalaking matagal na ngang na

