Bumaba si Drew mula sa taas, mabigat ang mga hakbang niya... Hindi niya nabuksan ang pinto ng kwarto ni Erica. Hindi siya pinansin ng kapatid niya kahit pa anong pakiusap niya.. Pagdating niya sa sala, agad siyang humarap sa mga magulang niya. “Pinwersa niyo ba si Erica na sumama sa inyo?” galit na tanong niya. Tahimik si Celine sandali bago sumagot. “Hindi,” sabi niya. “Kusa siyang sumama. Hindi ko na nva kailangan pang kaladkarin sa kotse.” Napakunot ang noo ni Drew. “Kusa?” ulit niya. “Oo,” sagot ni Celine. “Sinabi niya mismo na uuwi siya.” Hindi makapaniwala si Drew. “That doesn’t make sense,” sabi niya. “Hindi basta uuwi si Erica kung walang nangyari.” “Exactly,” sagot ni Paul. Tahimik sandali si Drew. Napaisip. “Ano ang nangyari?” tanong niya. “What did that man do to her?”

