TEASER

773 Words
NAPATAYO ako mula sa aking ginagawang assignment ng maulinigan ko ang malakas na boses ni Tita Ver. "Roseanne! ano iyong naririnig ko na hindi mo susundin ang utos ko? Pwes! mamili ka, magpapakasal ka sa matandang yon o mamamatay ang mommy mo?" "T-Tita Ver, graduating pa lamang po ako at wala pa sa plano ko ang magpakasal sa kahit sino." mahinahon ko pa rin sagot sa aking madrasta. "Wala akong pakialam kung graduating ka o hindi, isa lang ang sagot na kailangan ko, magpapakasal ka o mamamatay ang iyong ina?" nanginig ang katawan ko sa matinding galit ngunit buhay ni Mommy ang nakataya. "Naiinip ang mga tauhan ko, Roseanne!" "O-Opo, Tita Ver, p-payag na po akong magpakasal. Pero palalalayain mo na ang mommy ko." "Wala kang karapatan makipag-deal sa akin!" at bumiling ang mukha ko dahil sa binigay niyang malakas na sampal. Pagkatapos ay mabilis akong tinalikuran. Ang buong akala ko ay hahayaan niya ako sa mga natitirang araw ng kalayaan ko. Ngunit ikinulong ako sa isang silid at makakalabas lamang ako kapag kasal na ako sa matandang yon. - ARAW ng kasal… "Ayusin mo ang sarili mo ayaw kong mapahiya sa mga bisita. Kung ayaw mong sa mismong araw na ito ay alisan ko ng life support ang naghihingalo mong ina!" sunod sunod akong tumango at sinisikap pigilan ang aking luha. "Senyora Ver, nariyan na po si Judge." "Okay, sabihin mong palabas na ang bride." "Masusunod po, Senyora Ver." "Go! at binabalaan kita, ayaw kong makarinig ng anumang salita mula sa mga bisita." "O-Opo, Tita Ver." saka ako humakbang palabas ng pinto. Sinikap kong kumilos ng normal habang patungo sa harapan ng Judge. Hindi ako lumingon at diretso lang ang aking tingin. "Sa palagay ko hindi na darating ang matandang groom. Sampung minuto ng late sa oras na itinakda. Ang mabuti pa ay umuwi na tayo.... "Excuse me!" sa puntong yon ay lumingon ako at halos mapatulala ako sa lalaking naglalakad palapit sa kinatatayuan ko. "Roseanne Montejo, my bride, right?" tanong niya sa akin ng nasa harapan ko na siya. "I'm you're groom, Matteo Villa Samonte." "Ahm... y-yeah." halos hindi ako humihinga lalo na ng hawakan niya ang aking kamay. Ang aking dibdib ay parang tinatambol sa lakas ng kalabog. "Relax, hindi kita kakainin dito sa harapan ng mga tao." nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niyang yon. Pakiramdam ko ay umabot sa pandinig ng mga bisita ang salitang binitawan niya. Sa bawat minutong lumilipas ay lumilipad ang aking isipan. Paano nangyari na halos kaedad ko lamang ang aking maging asawa? Samantalang ang nakalagay sa prenuptial agreement ay seventy years old ang lalaking pakakakasalan ko. "You may kiss the bride." ang salitang yon ang nagpabalik sa aking realidad. At akmang iiwas ako ng mabilis na kapasok siya sa loob ng aking suot na veil. Pagkatapos ay mahigpit ang hawak sa magkabila kong sintido. Siniil niya ako madiin na halik at napasinghap ako ng bahagya niyang akong layuan. Ipinanlaki ng aking mga mata ng madama ang mainit niyang dila sa loob ng aking bibig. Halos mangunyapit ako sa braso niya dahil para akong malulunod. Nang bigla niya akong bitawan kaya napakipit na lamang ako at hinintay ang pagbagsak sa sahig. Ngunit agad din napadilat ng madama ang pagpulupot ng matigas na braso sa aking katawan. "Tama na yan pinsan, doon muna tapusin sa honeymoon!" sigaw ng isang boses at sa puntong yon ay lumakas na ang sigawan. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa sobrang kahihiyan. "Sweety, let's go!" at napatili na lang ako ng bigla niyang buhatin. "Wait! Saan kayo pupunta?" kinabahan ako sa boses ni Tita Ver, lalo nang biglang huminto ang a-asawa ko sa paglalakad. "Tapos na ang kasal namin kaya kahit saan ko dalhin ang asawa ko ay wala kang magagawa." matigas na sagot ng aking asawa. Bago ipinagpatuloy ang paghakbang. "Abat bastos ka! muling sigaw ni Tita Ver. At hindi lang basta huminto si Matteo, kundi nalakad siya pabalik sa tinatayuan ni Tita Ver. "Don't touch my mother in-law or else pagsisisihan mong nakilala ako!" nakita ko ang sandaling pagkatigagal ng aking madrasta pero agad din napalitan ng mabalasik na anyo. "Guard! wag nyo sila ng hayaan makalabas ng gate!" malakas na utos ni Tita Ver sa mga tauhan niya. At mabilis na naglapitan ang mga armado sa aming tinatayuan. Ngunit parang walang narinig ang aking asawa. Tiningnan lang niya ang paligid bago nagpatauloy sa paglalakad. At agad akong nakaramdam ng matinding takot. Kaya palihim akong lumingon kay Tita Ver at nagulat ako ng makitang nakatingin lang siya sa amin. Ang mga tauhan niya ay biglang nawala. - Roseann Montejo and Matteo Villa Samonte "MY HUSBAND’S SECRET IDENTITY"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD