Chapter 1

1245 Words
Palapag na sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong kinalululanan ni Ivy Argueles Dantes. Kasama niya ang tatlong taong gulang na anak na si Benjamin Ivan Argueles. Nakasunod sa kanya ang apelyido ng bata dahil wala namang tumayong ama sa anak niya noong ipinanganak niya ito. Itinakwil ito ng ama nito noong ipinagbubuntis niya. Sa galit niya sa lalaking tumalikod sa kanya matapos siyang mabuntis, lumipad siya patungong Amerika para doon manganak at magbagong buhay. Sa Maynila siya nakatira noon nang magtrabaho siya sa kompanya ng kaibigan ng pamilya nila - ang Burman Leasing and Financing Corporation. May shares din sila sa kompanya at isa siya sa namamahala pagdating sa aspetong pinansyal. Isa sa mga anak ni Benjamin Burman ay si Wael na teenager pa lang sila ay crush na crush niya na. Lumalim pa ang pagtinging iyon nang sabihin ni Benjamin na siya ang gusto nitong mapangasawa ni Wael. Pero ibang babae ang gusto ni Wael. Nagkataon pa na ang babaeng kinalolokohan nito ay gusto lang itong huthutan. May-asawa na ang babaeng 'yun na hindi gustong paniwalaan ni Wael. Kaya nagdesisyon ang mga barkada nila ni Wael na lasingin silang dalawa nang maakit niya ang binata at mabaling ang pagtingin sa kanya. Nalasing naman niya ito. At tuwing nalalasing niya'y pakiramdam niya'y mahal na siya ni Wael. Nangarap siyang lalo na makakamit niya ang inaasam na pagmamahal. Nangarap siyang ito na nga ang lalaking para sa kanya. Pero natapos ang pangarap na iyon nang mabuntis siya. Ang araw na ipinagtapat niya na nagdadalantao siya ay ang araw din na tinanggihan ang wedding proposal ni Wael ng babaeng gustong pakasalan. Siya ang sinisisi nito kung bakit tumanggi ang babaeng 'yun. Inakusahan pa siyang sinungaling at gusto lang itong i-trap para pakasalan siya. Doon na rin natapos ang paghahabol niya kay Wael. Ibinenta ng pamilya nila ang shares nila sa BLFC at nangibang bansa siya. Ang mga magulang naman niya ay umuwi na sa Siargiao para doon gugulin ang panahon pagkatapos ng pagre-retiro. Her life had changed after that. Mabuti na lang dahil may kaya sila kaya't mabilis niyang naibangon ang sarili. Kahit buntis noon ay nagtrabaho siya bilang designer ng isang jewelry company sa Los Angeles. Sa loob ng apat na taon ay naging ina at ama siya sa anak niya sa tulong ng kapatid niya sa Amerika. Nagbalak siyang magtayo ng sariling jewelry company pero mahirap maghanap ng business partners sa Los Angeles. At hindi rin niya gustong kumpetinsyahin ang kompanyang nagbigay sa kanya ng trabaho sa mahabang panahon. Kaya nang may mag-alok sa kanya na maging business partner ng isang sikat na jewelry company sa Pilipinas, na-engganyo siya na sumugal. Gusto na rin kasing umuwi ng kapatid niya at ng pamilya nito sa Siargaio na probinsya ng Papa nila. Ilang beses niyang pinag-isipan kung uuwi na rin ba siya ng Pilipinas. Hindi niya na sana gustong mag-krus ang landas nila ni Wael hangga't maaari. "Manila is such a big city, Ivy. Madali namang iwasan ang mga Burman bast't huwag kang tutuntong sa teritoryo nila," pangungumbinsi sa kanya ng kapatid na si Allen. "Bakit mo naman paliliitin ang mundo mo at lilimitahan ang oportunidad ninyong mag-ina?" "Do you think he would recognize his son if they ever meet?" Kamukhang-kamukha naman kasi talaga ni Wael ang bata maliban sa dimples nitong sa kanya naman minana. "Siguro. But then again, ikaw na ang nagsabi na hindi interesado si Wael noon sa anak niyo. It has been four years. Malamang may iba na ring anak 'yun para maghabol pa sa karapatan niya kay Ivan. Baka simulan pa ng away nilang mag-asawa." May kirot sa puso niya ang katotohanang ipinamukha ng kapatid. Sa tuwing maalala niya ang ginawang pagtanggi ni Wael sa ipinagbubuntis niya ay nabubuhay ang galit sa dibdib niya. Ilang panahon pa ay magtatanong na ito kung nasaan ang tunay nitong ama. Naisip niyang tanggapin na lang ang alok ni Harry na magpakasal para mailipat niya na ang apelyido ng bata dahil sa kanya pa rin nakapangalan ang last name ni Ivan. Pero tama rin ang kapatid. Hindi niya dapat limitahan ang sarili nila sa mga oportunidad na katulad ng offer ni Andrew na ibenta sa kanya ang twenty percent shares ng Sweet Tiffany Jewelry Corp. Iyon na ang matagal niyang hinihintay, ang magkaroon ng sariling kompanya at doon siya magtatrabaho. Gusto niyang paghandaan ang future ng nag-iisa niyang anak. Nang makabuo siya ng desisyon ay tinawagan niya kaagad si Andrew. Pumayag na siyang magtrabaho sa Sweet Tiffany at bilhin ang twenty percent shares nito. At ngayon nga ay pipirma na siya sa kontrata at magsisimula na ang trabaho niya sa susunod na linggo. Nang lumapag ang eroplano sa NAIA ay inakay niya na ang anak. Samu't saring emosyon ang nasa dibdib niya ngayon na hindi niya gustong isipin. Apat na taon din siyang hindi umuwi sa Pilipinas. Sa isang condo ng kaibigan sila tumuloy. Sa susunod na buwan pa makakasunod si Harry sa kanila dahil biglaan din ang desisyon niyang umuwi sa Pilipinas. Dalawa ang silid sa condo pero masikip para sa kanilang apat 'yun dahil may yaya siyang kinuha para kay Ivan na galing sa probinsya nila sa Siargiao. Pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Sweet Tiffany ay maghahanap siya ng mas malaking condo para may silid ang sarili niyang anak at hiwalay din ang silid ng yaya nito. At hindi rin puwedeng matulog si Harry sa silid niya hangga't hindi pa sila kasal. Kinabukasan ay iniwan muna niya ang anak kay Yaya Maleng para puntahan ang kompanyang papasukan niya. Excited na rin si Andrew na ibigay sa kanya ang posisyon bilang Vice-President for Operations. May porfolio pa siyang dala para sa mga designs niya para maipakita sa board. Apat ang board member na naroon pero may isang silya ang bakante. Ang sabi ni Andrew ay may ibang kompanyang pinapasukan ang isang 'yun at hindi naman nakikialam sa pamamalakad sa kompanya. "Thank you, Miss Argueles. Tiyak na lalong pagkakaguluhan ng mga jewelry enthusiasts ang mga bagong disenyong ilalabas natin sa mga susunod na buwan." "I'm excited as well, Andrew. Thank you for welcoming me as part of your team. I will do my best to make our jewelry as classy and as elegant to compete globally." "I know you will, wala kaming duda sa kakayanan mo." Pagkatapos ng meeting ay inasikaso naman nila ni Andrew ang pagbili niya ng twenty percent shares ng STJC. Hindi lang siya empleyado ngayon dito kung hindi part-owner na rin ng kompanya. At sa loob ng isang linggong pagtatrabaho niya sa jewelry company na iyon ay wala siyang naging problema. She was as excited as she was when she first accepted the job as jewelry designer four years ago in Los Angeles. Kung hindi lang dumating ang isang araw na nakaharap niya na ang isa pang shareholder ng kompanya na hindi dumalo noong unang araw niya rito. She was shocked, she was fooled, and she was betrayed. Ang may pinakamalaking shares sa kompanyang iyon ay walang iba kung hindi si Wael Burman mismo. Wael holds fifty percent shares of the company, the rest of the board share only five to ten percent. Gustong umatras ng mga paa niya. Gutsong tumulo ng luha niya sa inis. At higit sa lahat ay gusto niyang sampalin ang lalaking hanggang ngayon ay walang ginawa kung hindi ang paglaruan siya. "Welcome to our company, sweetheart. Kaytagal kong inasam na makita kayong muli ng anak ko..." bulong nito nang hindi niya tanggapin ang pakikipagkamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD