"Para sa balitang Amyanan—morning news editon—isang pananambang ang naganap bandang alas onse ng gabi kagabi sa bayan ng Aritao Nueva Vizcaya. Ayon sa ating nakalap na mga ulat—sasakyan ng isang kilalang abogado ng bayan' lulan ng kanyang sasakyan kasama ang kanyang pamilya ang pinagbababaril kagabi. Mabuti na lamang at walang kahit na sinong nasaktan sa pamilya ni Attorney Kurt Cervantes—maliban sa ilan nitong mga tauhan na may tama dahil sa nangyaring pamamaril." Nakabukas na ang TV bandang alas singko pa lamang ng umaga dahil talagang inaabangan niya ang paglabas ng balita. "Hahahah! If only they knew." Natatawang bulalas ni Atticus habang pinapanood ang balita. Katatapos lamang nilang magkape at eksaktong nakabihis na din siya at handa na para sa unang araw niya bilang isang personal

